Humaba ang nguso ni Thalia, ang kanyang bilugang mata ay namumula at namumuo ang luha. "Summer vacation is almost halfway over, all of my friends on vacation already but us, we just stayed here in the house." Halata ang pagtatampo sa tinig paslit.Pagkatapos ng ilang saglit na pag-iisip, mahinahong inalo ni Sierra ang kanyang anak, "I know that you are upset and bored, darling. But can you wait for mom for three days. Tatapusin lang ni Mommy ang kanyang trabaho sa tatlong araw na iyon, pagkatapos ay mamamasyal na tayo nila kuya, okay?""Totoo po ba?""Hmm.""Let's pinky finger, mommy!" Inilahad Thalia ang kanyang maliit na hinliliit.Ipinaglingkis ni Sierra ang kanyang daliri sa anak, at agad na tumigil ito sa pag-iyak at nagsimulang ngumiti. Lumundag siya mula sa bisig ni Sierra at tumakbo papunta kay Vester, "Kuya, kuya, pwede na tayong magbakasyon!" Kumislap ang saya sa mga mata ni Vester, ngunit sinusubukan pa rin nitong panatilihing pogi at mayabang ang mukha, at walang emosyong
Read more