Pinikit ni Sierra ang kanyang mata para umidlip sandali, nang oras ding iyon ay tumunog ang kanyang telepono. Binuksan ni Sierra ang kanyang mga mata, kinuha ang kanyang telepono, at nakita na ang tumatawag ay ang kanyang Master. Sinulyapan niya si Reon at ibinaba ang tawag. "Reon, huminto muna tayo sa mall, magbabanyo ako." "Sige po." "Mommy, kailangan ko rin pong pumunta ng banyo," sabi ni Thalia. Tumango si Sierra at tumingin kay Vester, "gagamit ka ba ng banyo?" Nanatili pa ring malamig ang ekspresyon ni Vester, "No." Tumigil nang tuluyan ang sasakyan. Lumabas si Sierra sa sasakyan, hawak ang anak ay pumasok sila sa mall. Matapos mahanap ang banyo, dinala muna niya ang kanyang anak sa loob. Habang isinusuot ang maliit na damit ng kanyang anak, sinabi niya, "Tatawagan ni Mommy si Grandlo sandali. Hihintayin mo si Mommy, Thalia." "Wow! I want to talk with Grandlo Bong also, mommy!" "okay." Inakay ni Sierra ang kanyang anak palabas ng banyo, humanap ng isang puwesto para u
Read more