Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas maha
Last Updated : 2025-11-27 Read more