CHAPTER 50 – Tahimik ang lobby ng Smith Medical Center nang dumating si Veronica, suot ang puting coat at may bitbit na maliit na shoulder bag. Wala siyang suot na make-up, pero lutang ang natural na ganda. Ang kumpiyansa sa kilos, at ang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha ay sapat na upang mapalingon ang ilang staff na hindi pa siya kilala.Pero bago pa siya makalapit sa front desk, bumungad agad si Dr. Reyes, ang chief operating officer ng ospital.“Dr. Veronica Alcantara,” aniya, ngiting-ngiti habang kinakamayan siya. “Welcome to Smith Medical Center.”“Thank you po, Doc,” magalang na sagot niya.Maya-maya, lumapit si Eros mula sa kabilang corridor, suot ang dark gray scrub suit at may ID tag na nakasabit sa kwelyo. Nang magtagpo ang kanilang mata, isang ngiti ang agad na gumuhit sa labi ni Veronica.“Everyone, I’d like you to meet Dr. Veronica Alcantara,” sabi ni Eros sa harap ng ilan pang doktor at senior staff na nandoon sa lounge area. “She’s not only an excellent general p
Last Updated : 2025-07-16 Read more