Maaraw noon, at napakalinaw ng langit—tila kristal sa linaw.Sa basketball court, pawis na pawis at masigla ang mga lalaki, sigawan ng sigawan habang naglalaro. Dinig ang pagkikiskisan ng mga espesyal na sapatos na gawa para sa larong basketball at ang pagtama ng bola sa sementadong sahig.“Hoy, Drake, go na!” Sigaw ng isa. “Kaya mo ’yan, Drake!”Malalakas ang cheer ng kanyang mga kakampi. Halos lahat ay pangalan niya ang sinasambit. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang Drake Pascual? Matalino, mabait, gwapo at athletic. Total package na at halos lahat ng kababaihan ay siya ang standard kapag pumipili ng lalaking ide-date nila.“Grabe, ang daming tao para sa campus heartthrob natin! Hindi pa tunay na game ‘to!” Palatak ng isa sa mga team members ng basketball team.“O, ang daming magagandang babae rito, wala man lang nakakuha ng atensyon mo?” Tanong naman ng isa.“Grabe kayo. May girlfriend ’yan!”“Hala, biro lang naman! Wala naman si girl ngayon, di ba?” Tukso ng isa pa nang mag
Last Updated : 2025-11-03 Read more