Nang araw din na iyon, bumisita si Natalie sa mansyon, kasama niya si Nilly. Sinalubong siya ni Tess ng may malapad na ngiti sa mga labi. Halos tumakbo ito mula sa pangalawang palapag ng mansyon. Napansin agad ni Natalie na may naka-park na construction truck sa garahe at may mga taong nag-aakyat baba sa likuran--abala ang mansyon sa madaling salita. Parang may ginagawa sa pangalawang palapag.“Ay! Natalie! Ikaw nga!” Humahangos ito pababa, kasunod si Ben na sumilip din.“Si Natalie ba ‘yan?” Tanong nito mula sa taas. “Bababa din ako, saglit lang, tapusin ko lang ‘to. Sandali lang, Natalie.”Hindi napigilan ni Nilly. “Hmm, ako lang ba o excited talaga silang makita ka?”Ipinagsawalang-bahala lang ni Natalie ang kakaibang kilos ng dalawa. “Hindi naman, tsaka ganyan naman sila parati. Lagi silang natutuwa kapag nandito ako.”“Kaya mo na ba talagang magpaalam sa kanila? Mukhang mahal na mahal ka nila dito, eh.”Ngumiti ng bahagya si Natalie. “Syempre, ang alam nila dito ay isang Garcia a
Huling Na-update : 2026-02-12 Magbasa pa