“Anong sinabi mo?” Napahinto si Janet, labis na nagulat dahil ito ang unang beses na napagsalitaan siya ng ganoon ni Rigor. “Sinabihan mo akong makapal ang mukha ko?”“Hindi ka bingi, narinig mo ako. Oo, makapal ang mukha mo para pakialaman ang mga bagay na hindi mo dapat pinapakialaman.” Matigas na tugon ni Rigor.Pagkasabi pa lang niya ng ganoon, parang sumabog na paputok ang babae. “Aba naman, Rigor! Tao ka pa ba talaga? Ilang taon na tayong magkasama—mag-asawa tayo! Ang pera sa bahay na ‘to, at anumang property na meron ka, ari-arian nating dalawa ‘yon!”“Ari-arian nating dalawa?” Napangisi si Rigor, malamig ang tingin sa babae. “Huwag mong kalimutan, Janet…nang pakasalan mo ako, wala kang dinala sa bahay na ‘to. Pumasok ka sa bahay na ‘to na damit lang ang dala mo—wala ka man lang dalang kahit anong alahas o pag-aari sa pangalan mo. Maswerte ka nga at tinanggap kita!”Nanigas ang mukha ni Janet. Matapos ng mahabang panahon ng pagsasama nila, ngayon lang lumitaw ang usaping ito. A
Huling Na-update : 2025-10-28 Magbasa pa