Maingat na inilahad ni Mateo ang kutsara sa labi ni Natalie, hindi na ito naghintay pa na pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Kung titingnan, mukha itong banayad at puno ng pag-aalaga.Pero ang nasa isip ni Natalie ay ang tagpo sa ospital kanina—ganitong-ganito din ang eksena na ‘yon. Kung paanong pinapakain din ni Mateo si Irene sa ganoon ding paraan. Isang matalim na kirot ang tumusok sa kanyang dibdib. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay, halos hindi pansin dahil mabilis niyang tinago.“Hindi na kailangan…”“Natalie,” bulong ni Mateo, bahagyang naningkit ang mga mata, may anino ng pagkairita sa tingin. “Akala ko pa napag-usapan na natin ‘to.”“Ang ibig kong sabihin, kaya ko naman,” agad niyang dagdag, ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon. Inilapag niya ang twalya at kinuha ang mangkok mula sa kanya. “Tuyo na ang buhok ko. Ako na ang gagawa.”Tinanggihan niya ang pagsubo nito sa kanya dahil una, hindi siya sakitin. At higit sa lahat, hindi siya si Irene na kailangan alagaan
Last Updated : 2025-10-17 Read more