“Thank you, Lord. Maraming salamat, nurse.” Taos-pusong sabi ni Amanda. Parang nabunutan siya ng tinik dahil sa balitang iyon.“Walang anuman,” sagot ng nurse na may magiliw na ngiti habang bitbit ang medical chart palabas ng silid.“Ah…” Napabuntong-hininga si Felix. “Tingnan mo nga naman. Sa huli, si Natalie pa rin talaga ang may mabigat na epekto sa anak natin.”Kahit hindi sila pumasok ng gabi, nandoon sila sa likod ng salamin—at nakita nila ang lahat. Bawat galaw, bawat ekspresyon sa mukha ng anak nila—kitang-kita. Naging maaliwalas ang ekspresyon nito buhat ng makasama nito si Natalie sa iisang silid.“Siya at si Drake…” muling napabuntong-hininga si Felix. “Sa totoo lang, bagay na bagay sila—parehong matalino, parehong maganda at gwapo. Tunay na itinadhana sila pero nakialam tayo, Amanda.”Kung hindi lang dahil sa agwat ng estado sa buhay nila—at kung hindi nila naisip ang kapatid ni Natalie na may autism—at hindi sila mariing tumutol sa relasyon nila…sana ay sila talaga ang na
Última actualización : 2025-11-10 Leer más