MATAPOS maihatid pauwi ang lasing na si Stella ay dumiretso si Adrian sa lugar kung nasaan si Margaret.Papasikat pa lang ng araw na iyon kaya nabigla ang mga tauhan na nagbabantay dahil sobrang aga nitong bumisita.“M-Magandang umaga, Sir.”Tumango lang si Adrian, hindi pinakitang natutuwa siya at ginagawa ng mga ito ang trabaho. Baka lang kasi tatamad-tamad ang mga ito ngunit hindi naman pala.“Gising na ba siya?” aniyang tinutukoy si Margaret.“Natutulog pa, Sir, nang silipin namin kanina.”Walang salitang naglakad patungo sa kwarto si Adrian para tingnan ito. Pagpasok ay nakita niyang gising na ito, nakaupo sa kama habang nakatanaw sa labas ng bintana. “Gising ka na pala,” aniya.Ngunit hindi man lang lumingon si Margaret, ni hindi nga kumilos. Kaya lumapit si Adrian at tiningnan itong nakatulala, parang mannequin, walang kabuhay-buhay. Tapos ay bigla siyang napatakip sa ilong dahil nangangamoy ito, parang ilang araw ng hindi naliligo.May sumunod naman na tauhan at napansin ang r
Last Updated : 2025-07-21 Read more