KASALUKUYANG nagluluto ng tanghalian ang kaibigan na tinulungan ni Katherine dahil doon na niya naisipan kumain. “Ihahanda ko na ‘yung plato,” aniya saka naglakad patungo sa dish rack cabinet nang biglang tumunog ang phone.Tiningnan niya kung sino ang caller at nagtaka. “Ba’t tumatawag si Joey?” saka niya sinagot, “Hello?”“Good afternoon, Ma’am… Pasensya na sa biglaang pagtawag, gusto ko lang sana sabihin sa inyo na nasa presinto si Sir Cain.”“Ha?!” sa lakas ng boses niya ay napalingon si Lian. “Pa’no siya napunta riyan? Nasangkot ba sa gulo o kung may nagkaso ba sa kanya?”“Papunta pa lang ako, Ma’am. Kung gusto mo rin pumunta ay ipo-forward ko sa inyo ang lokasyon… Tungkol naman sa rason kung ba’t siya ay dahil nanggulo si Sir Cain sa ospital.”“Ano?” Mas naguluhan siya. “Ba’t naman niya iyon gagawin?”Hindi na sinabi ni Joey ang rason at sa halip ay sinabi na, “Ibababa ko na ‘tong tawag, Ma’am at nagmamaneho ako ngayon.”“Okay, susunod agad ako,” ani Katherine. Matapos ay tining
Last Updated : 2025-08-18 Read more