NAGNGINGIT ang bagang ni Jared. Sobrang diin ng pagkakahawak niya sa pinto. Kung maaari nga lang ay sinuntok na niya ito ngunit nagpigil siya.Sa huli ay pinagkasiya na lamang niya ang sarili sa pagsilip sa kaunting siwang ng pinto. Umaasang makita si Lian sa paligid pero hindi ito tanaw ng kanyang mga mata."Hindi ka pa ba, aalis? Tatawag na 'ko ng security. Nakakaabala ka masiyado, anong oras na," ani Brian.Ang madilim na ekspresyon ni Jared ay mas lalo pang kumulimlim. Magkaganoon man ay pinili niyang umatras. "Hindi pa tayo tapos," iyon lang ang sinabi niya saka naglakad palayo.Mabilis naman sinara ni Brian ang pinto. Sumilip agad si Lian at nagtanong, "Umalis na siya?" na tinanguan nito. Kaya nakahinga siya nang maluwag."Wala ka ng dapat pang ipag-alala," ani Brian."Salamat, magpapahinga na 'ko pero... tatabi ka ba sa'min?" medyo nag-alinlangan sa tanong na iyon.Umiling si Brian. "Sa sofa lang ako.""Pero... malaki naman ang kama, kakasiya tayong tatlo.""You want me to cros
Last Updated : 2025-07-04 Read more