Share

Chapter 354

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-15 23:30:37

NAPANGANGA si Marc sa sinabi nito, mabuti na lang at may suot siyang mask kaya hindi halata ang pagkabigla niya. Matapos ay pasimple itong hinawakan sa manggas ng lab gown sabay bulong, “Sir, anong ginagawa niyo? Baka makahalata sila, malintikan pa tayo.”

“‘Wag kang magulo,” ani Cain dahil hindi niya rin alam ang gagawin.

Samantalang si Margaret naman na nakapikit ng sandaling iyon ay bigla na lang nagmulat ng mga mata matapos marinig ang pamilyar na boses. Akala niya si Cain ngunit maliban sa mga pulis at warden ay dalawang Doctor lang ang naroon.

“Lalabas kami?” tanong ng isang pulis.

“Oo.”

Napatitig si Margaret sa Doctor dahil hindi siya maaaring magkamali na si Cain mismo ang kanyang narinig. “A-Anong…” anas niya, nalilito kung anong ginagawa nito?

“Bakit?” tanong muli ng grupo ng kapulisan.

“Hindi namin siya pwedeng iwan,” segunda ng isang warden.

Napalunok ng laway si Cain, kabado na kung anong dapat sabihin sa sitwasyon na iyon ngunit nanatili pa rin na kalmado.

Maging si Marc
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
JENNY Gruta
Bakit pa isa isa po yng update niyo author hehehe maganda san yun story kasu ang tagal po
goodnovel comment avatar
JENNY Gruta
Nxt please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 354

    NAPANGANGA si Marc sa sinabi nito, mabuti na lang at may suot siyang mask kaya hindi halata ang pagkabigla niya. Matapos ay pasimple itong hinawakan sa manggas ng lab gown sabay bulong, “Sir, anong ginagawa niyo? Baka makahalata sila, malintikan pa tayo.”“‘Wag kang magulo,” ani Cain dahil hindi niya rin alam ang gagawin.Samantalang si Margaret naman na nakapikit ng sandaling iyon ay bigla na lang nagmulat ng mga mata matapos marinig ang pamilyar na boses. Akala niya si Cain ngunit maliban sa mga pulis at warden ay dalawang Doctor lang ang naroon.“Lalabas kami?” tanong ng isang pulis.“Oo.”Napatitig si Margaret sa Doctor dahil hindi siya maaaring magkamali na si Cain mismo ang kanyang narinig. “A-Anong…” anas niya, nalilito kung anong ginagawa nito?“Bakit?” tanong muli ng grupo ng kapulisan.“Hindi namin siya pwedeng iwan,” segunda ng isang warden.Napalunok ng laway si Cain, kabado na kung anong dapat sabihin sa sitwasyon na iyon ngunit nanatili pa rin na kalmado.Maging si Marc

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 353

    HINDI ganoon kalakas ang pagkakabangga ng dalawang sasakyan ngunit may karampatang impact pa rin sa puntong muntik nang tumapon si Cain sa kabilang dako ng kotse.Si Marc ang unang nakabawi at agad na lumingon sa backseat. “Ayos lang kayo, Sir?”Tumango si Cain saka pasimpleng inayos ang nagulong buhok dahil sa salpukan. “Tingnan mo nga kung sino ‘yung walang utak na nagmamaneho sa bulok na sasakyang ‘yun.”Mariin naglapat ang labi ni Marc, tila bumalik ang dating amo na masama ang ugali. “Sige, Sir.” Akmang lalabas ng unahan ng driver ng naturang kotse.Lumapit ito at humingi ng paumanhin sa kanila, “Pasensya na mga Sir, medyo–”“Sandali lang,” pigil ni Cain dahil nakikilala niya ito, ang driver ni Stella. Kaya nilingon niyang muli ang kotseng may gasgas at yuping hood.Lumabas si Adrian at binuksan ang pinto ng backseat kung saan ay bumaba ang dalaga, bakas ang takot sa mukha.“C-Cain?” anas ni Stella saka nagtangkang lumapit ngunit muntik nang matumba. Mabuti na lamang at naalalaya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 352

    NAPASANDAL si Lian sa pinto matapos makapasok sa apartment. Tumulala siya ng ilang segundo bago ngumiti. Hinawakan ang sarili at dinama ang pintig ng puso.Sa lumipas na mga taon ay ngayon na lamang niya naramdaman ang ganitong kapanatagan. Tila may naalis na malaking tinik sa dibdib matapos nilang makapag-usap ni Jared.Naroon pa rin naman ang pangamba at takot ngunit nabawasan na.Pagkatapos…May pumatak na luha sa gilid ng mga mata. Napahawak siya roon at nagtaka… hanggang sa bumuhos na ang luha. “B-Bakit ako umiiyak?” tanong niya sa sarili.Naguguluhan siya, hindi niya dapat ito maramdaman ngunit hindi niya makontrol.Makailang beses niyang pinunasan ang luha ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos. “Ano ba… t-tumigil ka na!” inis niyang saway sa sarili habang humahagulgol.Dumausdos siya sa pinto saka niyakap ang tuhod. Makailang ulit na hinihilot ang dibdib dahil nahihirapan ng huminga sa sobrang pag-iyak.Makalipas ang ilang sandali ay humupa na rin ang nararamdaman saka tumayo a

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 351

    HUMIWALAY bigla sa yakap si Jared saka ito tiningnan na may pagtataka. “M-May sakit ka? ‘Wag mo sabihing…”Tumango-tango si Lian. “Dala-dala ko pa rin ang sakit na kumitil sa buhay ng dinadala kong sanggol noon. Dahil sa kapabayaan–”“Shhh… ‘wag mong sabihin ‘yan. Alam natin pareho na ako ang may kasalanan kaya siya nawala. Nagpalamon sa galit ko sa’yo noon. Naging halimaw ako kaya kita nasaktan. Pero ngayon, babawi na ako.”Umiling-iling si Lian. “‘Wag… walang kasiguraduhan kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko. Nakadepende na lamang ako sa gamot na iniinom ko.”Hinawakan ni Jared ang pisngi nitong nanlalamig. “Gagawa ako ng paraan. Hindi ko h-hahayaang…” pumiyok siya kaya hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin. Masikip sa dibdib at naiiyak siya. Baka kapag pinagpatuloy niya pa ay tuluyan na siyang mag-breakdown sa harap nito.At ayaw niya iyong mangyari dahil dapat siya ang matatag sa kanilang dalawa. Siya itong dapat maging matapang sa lahat ng oras. Maging lakas ni Lian

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 350

    NATAMEME at hindi na magawang makapagsalita ni Kathleen dahil wala naman siyang kaide-ideya na may sakit pala ito. Napakurap-kurap siya at lumikot ang mga mata, naghahanap ng masasabi pero sa huli ay kinagat na lamang ang ibabang labi. “H-Hindi ko alam, sorry.”Huminga nang malalim si Lian. “Naiintindihan ko naman ang reaksyon mo… Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon mo, baka magtaray rin ako.”“Alam ba ni Bry-Bry?”Tumango si Lian. “Dati siyang naging Doctor ko at sa kanya ako lumalapit kapag nahihirapan ako sa sakit ko.”“Kung gano’n…?”Tumango-tango si Lian. “Alam niya ang sitwasyon ko pero gusto niya pa rin ako. Ayokong masayang ang oras niya sa’kin. Isang karapat-dapat at malusog na babae ang dapat niyang mahalin,” matapos iyong sabihin ay nilagpasan niya ito at bumalik na sa table na parang walang nangyari.Ganoon din ang ginawa ni Kathleen na nanahimik na lamang sa tabi ng pinsan.Habang si Jared naman ay nagpapalipat ang tingin sa dalawang babae pero tumagal ang titig k

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 349

    NAHIRAPAN si Lian na sagutin ang tanong nito dahil nilalamon siya ng guilt matapos magsinungaling at mahuli sa akto.“Akala ko ba’y overtime ka?” ani Brian, mahihimigan ang pagkadismaya sa boses.Pagkarinig ni Jared sa sinabi nito ay natawa siya saka ito tiningnan na parang nang-aasar.Nang walang ano-ano ay may lumapit na babae, ikinawit ang kamay sa braso ni Brian. “Bry-Bry, nakahanap ka na ng table?” malambing pa nitong sabi.Napakunot-noo si Lian dahil ito ang unang beses na makita niya ang babae.Bakas ang pagtataka sa mukha nito at nagpalipat-lipat pa ang tingin kay Brian at Lian. “Do you know her, Bry-Bry?”Hindi agad sumagot si Brian dahil nakatuon ang atensyon niya sa mukha ni Lian. Gusto niyang makita itong magselos.Ngunit hindi iyon nangyari, walang mababakasan na emosyon sa mukha nito. Dismayado kaya pinakilala na lamang niya ang kasamang babae, “Si Kathleen nga pala, pinsan ko.”Tumango-tango naman si Lian. “Nice meeting you, I’m Lian,” aniya sa pinsan ng kaibigan.Nanin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status