Share

CHAPTER 22

Auteur: Darkshin0415
last update Dernière mise à jour: 2025-06-05 14:33:55

CHAPTER 22

3RD POV

“Ano po bang problema?” Mahinahon na tanong ni Marie, sa lalaki. Habang tumabi siya kay Marie.

“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? Ang gusto ko lang naman, iharap niyo sa akin ang may-ari ng boutique na ‘to!” Sigaw ng lalaki.

“Mahirap din bang intindihin, na nasa harapan niyo na ang may-ari.” Inis na sagot niya, kaya napatingin ang lalaki sa kanya.

“Ako po ang may-ari.” Mahina na wika ni Marie, kaya napatingin ito sa kanya.

“Ikaw? Nagpapataw-.”

“Hindi siya nagpapatawa, at pwede bang sabihin mo sa amin, kung ano ang kailangan mo sa kanya.” Wika niya sa galit na boses.

“Kung ganun, ikaw pala ang gumawa ng dress ng Anak ko!” Sigaw nito, habang nakitang napakunot ang noo ng kanyang pinsan.

“Ano po bang problema sa damit na ginawa ko?” Mahinahon pa rin na tanong ni Marie, rito.

“Tinatanong mo pa! Tingnan mo ‘to!” Sigaw nito habang nilabas sa box ang isang damit na punit-punit.

“Ganito kaba gumawa ng damit? Ang ipahiya ang client mo sa mga bisita?” Lalong na
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (3)
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
thank you sa update ma'am God bless you always
goodnovel comment avatar
Rezel Davao
more update po
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
c mike Po talaga ang bodyguard keana thank you Po update next po ulit
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 24

    CHAPTER 243RD POV “Lola!!” Malakas na sigaw ni Keana, habang pumasok sa mansion ng lola Aira niya. “Anong problema Apo?” Taka na tanong nito, habang nagmamadali na lumapit sa kanya. “Paalisin niyo na ang bodyguard ko na ‘yon.” Iyak na wika niya rito, kaya natigilan ito. “Ayaw mo na ba ng pera?” Tanong nito, kaya natigilan siya, dahil ang layo ng sagot nito. “Gusto, sino ba ang ayaw nun?” Sagot niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. “Ganun naman pala, alam mo na kapag aalis si Dave, mawawala rin ang ibibigay ko sa ‘yo.” Ngiting wika nito sa kanya. “Masyado naman kasing pabida ‘yon, at isa pa. Bakit hindi marunong makipaglaban ang taong ‘yon? Bakit takot siyang makipaglaban?” Tanong niya habang tumayo. “At sino naman ang makipag-laban sa aso? Gusto mo bang makagat siya?” Tanong sa kanya ni Aira, kaya napakunot ang noo niya. “Alam niyo?” Wika niya, habang tumango ito sa kanya. “Bakit niya sinabi sa inyo?” Hindi napigilan ni Aira, na mapangiti, dahil sa tanong sa kanya ni

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 23

    CHAPTER 23 3RD POV “Tumahimik ka.” Mahina at madiin na wika niya rito. Dahan-dahan niya na binuksan ang maliit na gate, at pinapasok ito. “Ano bang ginagawa natin dito? Gusto mo bang makulong sa ginagawa mo?” Masama niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Alam mo, makukulong talaga ako, kapag hindi ka tumigil, dahil ikaw ang magpapahamak sa akin.” Inis na wika niya rito.”“Pwede bang lumabas na tayo.” Wika nito, habang taka itong napatingin sa kamay niya, nang hawakan niya ang braso ni Dave. “Nandito na tayo, kaya hindi kana pwedeng umatras.” Wika niya at hinila ito papasok. NANG marating ni Keana, ang isang pinto, ay nilingon niya si Dave. “Buksan mo.” Utos niya, habang kunot-noo itong napatingin sa kanya. “Bakit ako?”“Bakit hindi? ‘Wag mong sabihin na hindi mo alam, kung paano ‘to buksan?” Inis na wika niya rito. “Tama ka, hindi ko alam buksan ‘yan ng walang susi, dahil hindi ako akyat bahay.” Lalong nakaramdam ng inis si Keana, dahil sa sagot nito sa kanya.

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 22

    CHAPTER 223RD POV “Ano po bang problema?” Mahinahon na tanong ni Marie, sa lalaki. Habang tumabi siya kay Marie. “Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? Ang gusto ko lang naman, iharap niyo sa akin ang may-ari ng boutique na ‘to!” Sigaw ng lalaki. “Mahirap din bang intindihin, na nasa harapan niyo na ang may-ari.” Inis na sagot niya, kaya napatingin ang lalaki sa kanya. “Ako po ang may-ari.” Mahina na wika ni Marie, kaya napatingin ito sa kanya. “Ikaw? Nagpapataw-.” “Hindi siya nagpapatawa, at pwede bang sabihin mo sa amin, kung ano ang kailangan mo sa kanya.” Wika niya sa galit na boses. “Kung ganun, ikaw pala ang gumawa ng dress ng Anak ko!” Sigaw nito, habang nakitang napakunot ang noo ng kanyang pinsan. “Ano po bang problema sa damit na ginawa ko?” Mahinahon pa rin na tanong ni Marie, rito. “Tinatanong mo pa! Tingnan mo ‘to!” Sigaw nito habang nilabas sa box ang isang damit na punit-punit. “Ganito kaba gumawa ng damit? Ang ipahiya ang client mo sa mga bisita?” Lalong na

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 21

    CHAPTER 21 3RD POV “Pinatawag ako ng lola mo, kaya ako nandito.” Sagot nito sa kanya. “Bakit mo sinabi Apo, na umalis na siya?” Tanong nito sa kanya. “Akala ko kasi umalis na siya Lola, dahil hindi niya ako pinag-drive.” Inis na sagot niya at tinalikuran si Aira. “Saan ka pupunta?” Tanong nito sa kanya. “Babalik na ako sa opisina.” Sagot niya at agad na lumabas. “Ahhh!!” Malakas siyang napa-sigaw, dahil sa inis na nararamdaman niya. Ang akala pa niya, ay hindi na ito babalik. Nang bumukas ang pinto ay mabilis siyang umupo. Masama niyang tiningnan ang lalaki na pumasok. “Sinabi ko bang pumasok ka?” Galit na wika niya rito. “Hindi, pero ang sabi ng lola mo, bantayan kita.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hindi ako bata, para bantayan mo rito sa loob. Mas maganda kung sa labas mo nalang ako hihintayin.”“Paano kung ayaw ko?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa sagot ni Dave.“Isa pa, mas maganda rito, ang sarap humiga sa sofa.” Muling wika nit

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 20

    CHAPTER 20 3RD POV “Kadiri ka!!” Malakas na sigaw niya habang tinanggal ang kanyang kamay sa pisngi ni Dave. “Anong nakakadiri ro’n?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya. “Dahil nilagay mo ang kamay ko sa mukha mo.” Taas kilay na wika niya rito. “Bahala kana nga r’yan.” Wika niya at iniwan ito. “Kakain kana ba?” Tanong nito sa kanya. “Bakit? Ililibre mo ako?” Tanong niya habang napangiti ito. “Ikaw ang dapat manlibre sa akin, dahil ikaw ang boss ko.” Wika nito, kaya natigilan siya at napatingin dito. “Mabuti at alam mo na ako ang boss mo, kaya dahil sa sinabi mo ililibre kita.” Ngiting wika ni Keana, habang bakas sa mukha ni Dave, ang pagka-gulat. “Bilisan mo, baka magbago pa ang isip ko.” Wika niyang muli, habang nauna na naglalakad. “Malayo ba ang pupuntahan natin?” Tanong nito sa kanya. “Medyo, wala kasi ‘yon dito.” Balewala na sagot niya. “Ang layo na nang byahe, natin. Anong klaseng restaurant baa ng pupuntahan natin?” Tanong nitong muli, kaya natigilan siya at napangi

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 19

    CHAPTER 19 3RD POV “Mukhang ang saya mo?” Gulat siyang napalingon at nakita ang lalaki sa gilid. “Bakit ka nandito? Hindi ba umalis ka kanina?” Taka na tanong niya. “Kanina, ngayon nandito na ako.” Ngiting sagot nito. “’Wag mong sabihin na susunod ka na naman sa akin, sa loob ng opisina ko?” “Susunod ako, pero sa labas lang, kasi binayaran mo ako.”“Bakit sa labas? Dapat umalis ka muna.”“Pwede naman, pero sasabihin ko ‘yon sa lola mo.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito sa kanya. Nauna naman itong lumabas nang bumukas ang pinto ng elevator. “Sige na, pumapayag na ako na sa labas ka lang.” Inis na wika niya at nauna na naglakad. Nang .akaupo si Keana, ay naalala niya ang pabango ng lalaki. Alam niya na naamoy na niya ito, pero hindi niya maalala kung saan. “Busy ka?” Nag-angat siya nang mukha niya, habang papalapit sa kanya si Layla. “Hindi pa,” sagot niya rito. “Layla, kumusta na pala si Mike at ang pamilya niya?” Tanong niya, habang taka na napatingin sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status