Matapos kong pagsarahan ng gate si Lucian, mabilis akong tumakbo papasok ng kwarto ko. Kahit alam kong malabo naman na masundan niya ako, hindi ko parin maiwasang hindi kabahan. Surely, hindi naman siya papasok dito? I locked my door and immediately went to my bed. Humiga ako roon at saka niyakap ang isang unan ko. I let out a frustrated groan. Sana pala ay hindi na umalis si mama. Bakit noong nandito siya, hindi pumunta ang lalang ‘yon. Ngayon na wala siya, umaaligid siya sa labas? Sadly my room’s balcony is facing our backyard kaya hindi ko nakikita rito ang gate! Ang swimming pool lang ang tanawin ko! Nanatili ako sa kwarto ko ng ilang oras. Nang wala namang bumulabog sa akin na mga kasambahay, doon pa ako nakahinga ng maluwag.I’m safe inside our house! Mas gumaan pa ang pakiramdam ko nang dumating si mama. Hindi siya medyo nagtagal sa pinuntahan niya. Usually, kapag may pinupuntahan siya, ginagabi rin siya minsan lalo kapag kina Tita Kiara siya pumupunta! Natapos ang araw ng
Terakhir Diperbarui : 2025-04-15 Baca selengkapnya