Hindi makapaniwala si Everest na iiwanan nga siya ni Fredrick sa loob ng sasakyang mag-isa para lang kay Monique. Ang buong akala niya ay ayos na sila nito, bagama’t hindi nito sinasabi kung may nararamdaman ba ito sa kanya o wala, pero ito mismo ang nagpapahiwatig sa kanya lagi, at ito rin ang unang gumagawa ng paraan para halikan siya, bago matulog o kapag makita siya nito sa hapagkainan sa umaga. She couldn’t say if it was an act though. Lalo na kapag kaharap nila ang dalawang matanda. Alam ni Everest na mag-asawa sila ni Fredrick sa papel pero wala pang label kung ano ang totoong relasyon nila. Matamlay siyang napasandal sa upuan pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang umikot lang ito sa harapan ng sasakyan saka binuksan ang pinto sa passenger seat. “Get down,” utos nito pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto. Sa labis na gulat na Everest ay hindi siya agad makahuma. Nakatulala lang siya habang nakatingin kay Fredrick. Nakaawang ang labi at hindi alam kung anong sasabihi
Last Updated : 2025-07-10 Read more