“Magugustuhan mo pa kaya ako, Everest?”Nang hindi siya agad makaimik ay muling nagsalita si Fredrick. Hawak nito ang kamay niya pero nakaiwas ang mata nito at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba hindi siya kayang tingnan sa mga mata. “Kung alam mo lang, noong hindi ko pa nakikilala si Georgina, ang kapatid kong nawawala, ay mas cruel pa ako sa hayop, I admit that. When I didn't know that she was my sister, lagi siyang nakakatikim sa akin ng masasakit na salita. Ginawa ko iyon upang proteksyonan ang isa ko pang kapatid, si Celeste. Kapag nalaman kong sinasaktan siya, ay agad kong pinaparusahan ang taong may gawa niyon sa kanya without knowing na nagsisinungaling lang pala siya. She was just acting.”Sa pagkakataong ito ay hindi na umiwas ng tingin si Fredrick at hinuli ang mga mata niya. Kinuha nito ang kanyang kamay at marahang pinisil ang kanyang palad at hinalikan iyon. “Alam ko sa sarili ko na unti-unti na akong nagbabago pero sana, Everest, kung may magawa man ako na hindi
Last Updated : 2025-07-21 Read more