Next: Tumalim ang mata ni Cean at mahigpit na naikuyom ang kamao sa labis na galit. “Sa tingin mo ay may karapatan kang gamitin ang anak ko laban sa akin?” Habang matalim na nakikipagtitigan si Cean kay Zaddi ay mabilis naman na nagsalita si Galya para kausapin si Xentel. “Xe-xentel…” nauutal na tawag niya sa pangalan ng lalaki. Hindi pa sila nagkakaharap nito pero sigurado siyang kilala siya nito. “Totoo ba ang sinasabi mo? NAwawala ang anak ko?” Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya dahil ang narinig niya ay maingay na putok ng baril. “I’m sorry, Miss Galya. Pero yes, totoo ang sinasabi ko. Kinuha nila si Grein.” Halos mawalan ng balanse si Galya nang makumpirma ang sinabi ni Xentel. Naluluha ang matang tumingala siya kay Cean na agad naman siyang hinawakan bago pa siya matumba. “We will get him back, okay?” pinisil nito ang kamay niya bilang assurance pero hindi nakumbinsi si Galya. “I will look for him,” matatag na sabi niya. Alam niyang sa pagkakataong ito ay hin
Last Updated : 2025-09-28 Read more