Se connecterBumalik si Aeverie at Larissa sa silid. Mas naging tahimik si Aeverie at madalas na matulala sa kawalan. Kahit noong dinala na sa kanila ang tsaa ay hindi niya pa rin maibalik ang sarili sa reyalidad. Maraming bagay ang gumugulo ngayon sa isip niya.Minsan ay nararamdaman niyang nakatingin sa kaniya ang kaniyang ina kaya inaayos niya ang kaniyang sarili. Ayaw niyang magtanong ito kung ayos lang ba siya.“Sage is in the Philippines.” Anunsyo bigla ni Uriel sa gitna ng usapan.“Akala ko nasa ibang bansa na ulit si Sage.” Mahinang turan ni Felistia.Ibinaling ni Aeverie ang kaniyang atensyon sa dalawang nag-uusap lalo pa't kuryuso rin siya kung bakit bigla na lang naglaho ang kaniyang kapatid pagkatapos nitong tumulong sa kaniya.Madalas ay umaalis na lang bigla si Sage at lumilitaw ulit kung kailan nito gusto. Kapag may misyon ito, mas matagal na hindi nila nakikita ang lalaki, kaya sinasanay na rin nila ang kanilang mga sarili na ganoon si Sage— lulubog-lilitaw.”I received a call from
Tuluyang natameme si Maredith. Pakiramdam niya’y pinagtaksilan na naman siya ni David dahil sa ginawa nito. Mas masakit pa, lalo na at may kinalaman kay Aeverie. Noong nalaman niyang nagpakasal si Aeverie sa isang lalaki at nakipagsama rito ng tatlong taon, hindi niya magawang maniwala. Lumaki ito sa piling niya, sinubaybayan niya ang paglaki nito at iningatan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung gaano nito kinasusuklaman ang kanilang pamilya dahil sa masilimuot na relasyon nila. Kaya naisip niyang mahirap para kay Aeverie na magtiwala sa lalaki— hindi ito mag-aasawa agad. Ngunit mali pala siya. Habang lumalaki si Aeverie, nakikita niyang unti-unting nagbabago ang ugali nito. Aeverie was a sweet loving child. Dahil pala-palagi silang magkasama, nakuha nito ang ugali niya. Mahinahon, malambing, at mapagmahal ang batang Aeverie. Ngunit nang tumatanda na ay unti-unti nang nagiging malamig, matigas, at mapag-isa. Hindi na niya mahanap ang d
Naupo sila, ngunit hindi natapos ang pagbati at pangangamusta ng tatlong babae para sa unang araw niya sa trabaho bilang pangulo ng hotel. “It was good.” Matipid niyang sabi. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag ang unang araw niya sa trabaho bilang presidente. Siguro ay tunay sanang naging maganda ang kaniyang araw kung hindi lamang sa ginawa ni David. Simula nang maging general manager siya ng hotel ay unti-unti rin nahubog ang kaniyang kakayahan sa pamamamahala ng negosyo. Unti-unti rin nabubuo ang pangarap na mailagay siya sa mas mataas na posisyon. Pinatunayan niya ang kaniyang sarili, hindi siya nagkulang. Bakit kung kailan nakamit na niya ang inaasam na posisyon sa hotel ay saka naman mas lalo niyang naramdaman na walang katapusan ang mga pagsubok na ibinabato sa kaniya ng kaniyang ama? “He didn't tell us about his plan, actually.” Ani Felistia nang mapunta ang usapan kay David. “Not even to Tita Maredith?” Si Rafael na sumulyap sa babae. Nag-angat ng tingin si Maredi
Sa loob ng restaurant ay sinalubong sila ng manager. Alam nito na darating sila kaya personal na naghintay para salubungin silang magkakapatid. Si Rafael ang kumausap sa manager, samantalang si Uriel naman ang naggiya sa kaniya papunta sa hagdan. Nagbook ng esklusibong silid si Rafael para sa selebrasyon nila ngayong gabi kaya doon sila patungo. “Nasa loob na rin po si Mrs. Felistia, Mrs. Maredith, at Mrs. Larissa.” Rinig niyang sabi ng manager. Napalingon siya sa manager na hanggang ngayon ay kausap pa rin ni Rafael. Narito ang mga magulang nila? Bumaling siya kay Uriel. “Did you invite them?” Sumulyap sa kaniya si Uriel at maliit na ngumiti. “They’ve learned that Dad allowed you to become the President of our hotels. They want to celebrate it, too.” Kumunot ang kaniyang noo. Mas lalong bumagal ang kaniyang mga hakbang. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Maayos na ang relasyon niya sa tatlong babae, pero kahit paano’y may pagkailang pa rin siyang nararamdaman. Dahil
Ala singko y media ng hapon ay nasa lobby na ang dalawa niyang kapatid. Kagaya ng sabi ni Rafael, ito ang susundo sa kaniya. At dahil nabalitaan ni Uriel ang tungkol kay Silvestre, sumama ito sa pagsundo kay Aeverie para makita sa personal ang lalaki. Nang matanaw ni Aeverie ang dalawang kapatid sa lobby ay agad niyang binilisan ang lakad. “Hey,” Rafael greeted her first. Nang makalapit siya, agad na idinipa ni Rafael ang dalawang kamay. Maliit na napangiti si Aeverie at sinunod ang gustong mangyari ng nakatatandang kapatid. Niyakap niya ito. Samantalang hindi maalis ni Uriel ang kaniyang tingin sa lalaking nakasunod kay Aeverie. Totoo nga ang sabi ni Rafael, si Silvestre Galwynn ang kinuhang personal bodyguard ng kanilang ama para kay Aeverie.Ilang metro ang layo nito at halatang binibigyan ng distansya ang pagitan nila, ngunit malinaw ang kaniyang mga mata kaya nakilala niya ito agad. He changed his hair style. He looks clean in his military cut. He’s wearing an all black suit
Dumiretso sila sa restuarant ng hotel. Sumusunod pa rin si Silvestre at tahimik na nakatingin sa likod ng babae. Narinig niya ang naging usapan ng mga babaeng guest na kanilang nadaanan, ngunit balewala iyon sa kaniya. Nga lang, napansin niyang nilingon saglit ni Aeverie ang mga babae kaya agad na lumayo. Simula kaninang umaga ay may kakaibang kaba sa dibdib niya. Hindi niya magawang kausapin si Aeverie dahil alam niyang magagalit ito sa kaniya lalo pa’t mukhang hindi nito gusto na umaaligid-aligid siya. Kaya mas mabuting tahimik na lamang siyang magtrabaho. Marahil sa susunod na pagkakataon ay magkakausap na sila. Sa ngayon, kailangan niya munang tumahimik at maghintay na ito ang maunang kumausap sa kaniya. “This way, Miss Cuesta.” Sinalubong sila ng usher at iginiya nito si Aeverie. He kept his distance. Ilang hakbang ang layo niya mula sa babae, ngunit sapat lamang ang distansya para hindi ito mawala sa paningin niya at malapitan agad kung kailangan siya. Nang makarating s







