Sa labas ng tarangkahan ng tirahan ni Alec, nagsisiksikan ang dose-dosenang mamamahayag. Bitbit nila ang mga DSLR camera, mikropono, cellphone, at recorder—handa na para sa anumang sandali.Mula sa nag-uunahang tinig ng mga tao, may sumigaw, “Pasensya na, pero kailan lalabas sina Mr. and Mrs. Beaufort?” tanong ng isang reporter sa guwardiya.Natigilan si Alec sa nakita. Kahit gaano siya kalamig at kalupit, hindi niya inasahang magkakagulo nang ganito mismo sa harap ng kanyang tahanan.“M-May nangyayari ba?” matalim niyang tanong, sabay lingon sa guwardiya.Nanginginig ang guwardiya habang sumagot, “Young Master… h-hindi po namin alam. Bigla na lang sumulpot ang napakaraming reporter. Lahat sila may dalang parang ‘immunity pass.’ Ang sabi nila… si Don Pablo raw ang nag-imbita sa kanila rito.”Nanahimik si Alec.Naalala niya ang tawag mula pa noong nakaraang umaga, habang nasa pulong siya tungkol kina Irina at Zoey. Tumawag si Don Pablo na may iisang tanong, “Alec, talagang hindi mo pap
Last Updated : 2025-09-04 Read more