Share

Chapter 64: Anak..

Penulis: Dragon88@
last update Tanggal publikasi: 2026-08-10 00:18:05

“Pack her stuff. Now.” Tiim ang bagang na utos ni Vincent sa kasambahay na malapit sa kanila habang diretsong nakatingin sa akin ang mga mata nito. Pagkatapos itong sabihin ay saka niya ako tinalikuran habang nasa mga bisig nito si Alona. Isang matalim na tingin ang iniwan sa akin ng Nurse bago ito sumunod sa kanila.

Wala akong magawa kundi ang mamuntong hininga. Sa galing umarte ng babaeng iyon kahit sino talaga ay mabilis nitong mapaniwala.

“Mommy…” lumitaw ang isang ngiti sa mga labi ko
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 68: Frame up..

    Sumasabay ang malakas na tibok ng kanilang mga puso sa nanginginig na mga kamay ng doctor. Hindi maikakaila ang takot at kaba sa mga mukha ng nurse habang kalmadong isinasagawa ang operasyon sa batang si Princess. Sa pag-angat ng isang kamay ay kasabay nito ang pagpatak ng pawis mula sa noo ng doctor. Sinundan ito ng isang mahabang buntong hininga, tanda na nalampasan ang isang pagsubok na maisalba ang isang buhay. Napawi ang kabâ, nakahinga ng maluwag ang lahat ng makita na naging matagumpay ang operasyon na isinagawa sa batang si Princess. Kasunod nito ang pagsilay ng ngiti sa labi ng bawat isa.Samantala, mula sa labas ng operating room. Hindi magkandatuto sa paroo’t-parito si Vincent. Halos mabingi siya dahil sa malakas na kabǒg ng kanyang dibdib. “Hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa oras na may mangyaring masama sa aking anak.” Anya ng isang tinig mula sa kanyang isipan, kasabay nito ang malungkot na eksena sa pagitan nila ni Princess. Mga alaala na hindi niya nabigyang p

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 67: Princess…

    Nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa buong silid. Habang ang puti at manipis na kurtina na gawa sa seda ay bahagyang isinasayaw ng sariwang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana. Mula sa gilid na bahagi ng silid ay may isang malapad na lamesa kung saan nakalatag ang ilang bahagi ng baril. Tahimik na nakaupo si Tara sa isang silya habang abalâ ito sa paglilinis ng kanyang baril. Ibinaba ang puting basahan at sinimulan na niyang iassemble ang baril na baril.Nang matapos ay muli niya itong ibinaba sa ibabaw ng lamesa. Nilingon ang orasan, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang oras. “Sh*t! Nakalimutan ko ang oras.” Nababahala niyang bulalas saka dali-daling tumayo. Sa pagmamadali ay iniwan ang baril sa lamesa at tumungo sa loob ng banyo upang maligo.Alas otso na ng umaga at trenta minuto na lang ay papasok na sa school ang mga bata. Panatag kasi ang kanyang kalooban sa tuwing nakikita niya na ligtas ang mga ito na makarating sa school. Palibhasa'y sundalo kaya ganun

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 66: Konsensya at awa…

    “Where have you been?” Matigas na tanong ni Vincent. Kapapasok pa lang ni Tara sa pintuan ng kanilang bahay ay ito na kaagad ang sumalubong sa kanya. Imbes na sumagot ay tahimik na nilagpasan niya ito. Pagod siya dahil maliban sa maghapong pagbabantay sa mga bata, sinubukan din niyang mangalap ng impormasyon na gagamitin niyang ebidensya para sa nilulutas niyang kaso. Ngunit lumipas ang maghapon ay wala siyang napalâ sapagkat ang buong atensyon niya ay nakatutok lang sa mga bata. Well, naisip niya na ang mga bata ang subject sa kasong hawak kaya isa si Alona sa nakikita niyang may personal interest sa kasong ito. Nag-init ang ulo ni Vincent ng tila hangin na nilampasan siya ni Tara. Nag-iigtingan ang kanyang mga bagang sabay nito ang paghawak niya sa kaliwang braso ni Tara. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Tara, ilang segundo na tumitig siya sa sahig, kasunod nitoy namuntong hininga siya. Lumipat ang tingin niya sa kamay ni Vincent na nakahawak sa kanyang braso. Ramd

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 65: bato…

    “Mula sa malayo ay malungkot na pinapanood ko kung paanong halikan ni Alona sa pisngi si Princess at Nicholai. Habang ang mga bata ay malungkot ang bukas ng kanilang mga mukha. Halatang napipilitan lang ang mga ito na sundin ang nais ng kanilang tita Alona. Parang hiniwa ang puso ko ng yumukod si Vincent at hinagkan ang pisngi ni Alona.“I’m sorry, hindi ko gustong gawin ito, pero ito lang ang tanging paraan upang maiwasan natin ang gulo. Nauunawaan ko ang nararamdaman mo at batid ko na nahihirapan ka na, dahilan kung bakit nagawa mo ‘yun. Look Tara, sinisikap kong unawain ka sa abot ng aking makakaya. Ang tanging pakiusap ko lang sayo ay bigyan mo pa ako ng konting panahon para maayos ang lahat.Sa loob ng ilang taon ay nagpaka ina si Alona sa aking mga anak. Hayaan mong suklian ko ang sakripisyo nya. Sa sitwasyon niyang ito ay higit niya akong kailangan. Mananatili ka muna dito hangga’t hindi ko pa naaayos ang lahat. Sa oras na gumaling na si Alona ay saka ko s’ya kakausapin at sa

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 64: Anak..

    “Pack her stuff. Now.” Tiim ang bagang na utos ni Vincent sa kasambahay na malapit sa kanila habang diretsong nakatingin sa akin ang mga mata nito. Pagkatapos itong sabihin ay saka niya ako tinalikuran habang nasa mga bisig nito si Alona. Isang matalim na tingin ang iniwan sa akin ng Nurse bago ito sumunod sa kanila. Wala akong magawa kundi ang mamuntong hininga. Sa galing umarte ng babaeng iyon kahit sino talaga ay mabilis nitong mapaniwala. “Mommy…” lumitaw ang isang ngiti sa mga labi ko ng marinig ko ang malamyos na tinig ni Princess mula sa aking likuran. Pumihit ako paharap sa kanila. Kita ko ang awa na may kasamang lungkot mula sa inosente nilang mga mata. “Mommy, don’t worry hindi kami na niniwala na kaya mong gawin ‘yun kay Tita Alona.” Si Princess ng tuluyan siyang nakalapit sa akin. “Mom…” malungkot na tawag sa akin ni Nicholai. Lumuhod ako sa kanilang harapan upang magpantay ang aming mga mukha. Masuyo kong hinaplos ang kanilang buhok saka dinampian ito ng magaan na

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 63: “Not this time, Tara.”

    “May kinalaman ka ba dito?” Walang patumpik-tumpik na tanong ni Vincent. Ang mga mata niya ay nakatitig sa mukha ni Tara, mababanaag mula don ang pag-aalinlangan na kumprontahin ang inaanak niyang si Tara. “For God sake Vincent! Si Tara ang nasa harap mo, ikaw ang lubos na nakakakilala sa babaeng ito. Ikaw ang nagpalaki sa kanya.” Kastigo niya sa kanyang sarili habang nakapako ang mga mata sa mukha ng dalaga. Subalit, tila bingi si Vincent, dahil sa totoo lang ay naipit siya sa sitwasyon na nasa pagitan ng awa at pag-ibig. Awa para kay Alona na iniisip niya na may puwang din ito sa kanyang puso. Ngunit, batid ni Vincent na mahal na mahal pa rin niya si Tara. Natigil ang mga kamay ni Tara sa pag-aayos ng mga damit ng bata nang marinig ang tanong na ito mula kay Vincent. Mula sa gilid ng kanyang mukha ay nasaksihan ni Vincent kung paanong masaktan si Tara. Subalit, bakit pakiramdam ni Vincent ay tila siya pa ang higit na nasaktan? Isang mabigat na buntong hininga ang pinaka

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 039: “Wala ka ng puwang sa puso ko…

    “Anong ibig sabihin nito!?” Tila kulog na nilamon ng makapangyarihang tinig ni Vincent ang buong paligid habang matalim na nakatitig sa mukha ni Tara. Nagtatanong ang mga mata ni Tara, dahil sa labis pagkabigla ay tila umurong ang kanyang dila. Sino ba naman ang hindi matutulalâ kung ang kany

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 033: Paninindigan…

    “Pagkatapos na matulala sa mukha ng isa’t-isa ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Vincent. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit na may halong poot mula sa kanyang mga mata. At ngayon ay malaya kong nakikita ang matinding pagkam

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 032: ang pagkikita…

    “Nakakagigil, at matinding pagpipigil ang ginagawa ko ng mga sandaling ito. Nanginginig na ang laman ko habang ang dibdib ko ay marahas na nagtataas-babâ. Hindi ito basta makikita sapagkat pilit kong kinokontrol ang aking emosyon. Paano nagagawang saktan ng babaeng ito ang isang inosenteng bata?

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 026: “will you marry me?”

    Namimilantik ang mga daliri habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang bawat damit na kanyang mahawakan. Halos lahat ng mga damit ay maganda at napaka eleganteng tingnan, kaya naman medyo nahihirapan si Alona na pumili ng kanyang maisusuot. Nang huminto ang kanyang kamay sa isang red mini dress

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status