Napakunot ang noo ni Crassus. Napahaplos siya sa kanyang baba habang ang kanang kamay ay nakahawak pa rin sa cellphone. Napalingon siya sa kinaroroonan ni Saturn. Kumunot din ang noo nito nang tinanaw niya ito.Sinenyasan niya ito. Nakuha naman nito ang ibig niyang iparating kaya tumango ito. Gaya ng kanyang utos, binantayan nito si Raine habang may kausap pa siya sa telepono.Pero, tama nga ba siya ng rinig? Gising na ang Mama ni Raine?Napabuntonghininga siya. Pagkakataon nga naman. Kung sana ay gising na si Raine, tiyak na matutuwa ito.“This is Mr. Almonte, speaking,” Crassus replied. Natahimik ang kabilang linya. “Ay, ikaw po pala, Sir,” untag ng nasa kabilang linya pagkatapos ng pananahimik. “Ano po, pakisabi na lang kay Ma’am Raine na gising na ang Mama niya.”“How is she?” Crassus asked.“Okay na po ang vital signs niya. Medyo naninibago lang po sa paligid,” ani pa ng caregiver na nasa kabilang linya.Crassus nodded. “I see. Papunta na ako riyan, salamat,” ani niya sabay pata
Last Updated : 2025-08-27 Read more