Naudlot ang pagsagot ni Mercy. Tila sandali itong nag-isip bago sumagot kay Anthony. “Patigilin mo na ang kaibigan mo. Mamaya na natin pag-usapan ‘to. Huwag nating hayaang mapahiya ang mga pamilya natin sa mga bisita at sa mga media. Malaking kahihiyan ‘to, Anthony kapag nagkataon!” “Lagi kang nag-aalangan, Tita. Iyan ang dahilan kung bakit nawala si Ailyn noon. Uulitin mo na naman ba ang pagkakamali mo ngayon?” impit na sabi ni Anthony.“Wala ka ng respeto sa akin, Anthony!” “Ayaw mo bang malaman ang mga susunod na mangyayari? Kasi ako, nasasabik na ako sa mga mangyayari mayamaya.”SA labas ng gate, hinarang ng mga guwardiya roon ang dalawang lalaki. “No invitation, no entry, Sir. Iyan po ang utos sa amin, pasensiya na.”“May importante kaming ipinunta rito. Papasukin n’yo kami,” sabi ni Jan na halata ang pag-aalala sa mukha niya. Base sa naririnig niya mula sa loob ng bakuran, mukhang nagsisimula na ang seremonyas ng kasal. Nagtataka siya kung bakit hindi ipinadala ni Analyn an
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya