Leonora’s POVNasa ospital ako ngayon. Hindi dahil nasugatan ako sa mission. Hindi dahil may baril na pumutok o bomba na sumabog. Pero ramdam ko pa rin ang kaba — mas malalim, mas personal.Tahimik sa loob ng clinic ng compound. Maputi ang paligid. Malinis. Malamig.Nakaupo ako sa examination bed, nakasuot ng patient gown, habang si Kuya ay nakatayo sa tabi ko, nakasandal sa pader. Tahimik din siya. Sa sobrang tahimik, rinig ko ang tiktak ng wall clock.“Relax,” sabi ni Doc Camille, habang tinitingnan ang chart ko. “You’re not dying, Leonora.”Napangiti ako — pilit. “Hindi naman ‘yon ang iniisip ko.”Pero hindi ko rin masabing “I feel okay.” Kasi hindi ako okay. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.Kanina lang, habang sinusuri ako, inakala ko na baka hormonal lang, baka overfatigue, baka dehydration. Lahat na ng rational explanation, pinilit kong kapitan.Pero ngayon... sa mukha pa lang ni Doc, alam kong may hindi siya masabing diretso.Tumingin siya sa akin. Tiningnan din
Last Updated : 2025-09-16 Read more