Leonora’s POVMainit-init pa ang sabaw sa lamesa, kasabay ng masarap na amoy ng nilagang baka at sinangag. Simple lang ang hapunan namin ngayong gabi, pero espesyal. Hindi dahil sa pagkain, kundi dahil… buo kami.Sa wakas, kumpleto ang mga upuan sa dining table. Ako, si Drack, at ang tatlo naming anak — sina Ezra, Alex, at si Vicky.Si Vicky. Andito siya, buhay. Umuupo ngayon sa tabi ko habang maingat na nilalagay ang sarsa ng toyo’t kalamansi sa plate niya. Parang ilang buwan lang ang lumipas mula nang nawala siya, pero sa totoo lang… parang buong buhay ko siyang hinanap."Ma, 'di ba dapat walang cellphone sa table?" sabay turo ni Alex sa kapatid niyang si Ezra na kanina pa tumitingin sa gadget."Ay, sorry!" tawa ni Ezra. "Last round lang, Ma. Promise!""Inubos mo na naman 'yung data ni Daddy," dagdag ni Vicky sabay irap.Tumingin ako kay Drack. Umiling lang siya, pero may ngiti sa labi."Wala nang bawian ng data," sagot niya. "Basta mamaya, lahat kayo, walang gadget. Magka-family mo
Huling Na-update : 2025-09-24 Magbasa pa