SPADE'S POV: Nagising ako nang may biglang humablot sa akin mula sa higaan. Nakatikim ako ng sipa, tadyak, sabunot at sampal mgunit hindi ko alam kung sino ang gumagawa sa akin non. “Aray! ano ba! bitiwan mo ako!” Balak niya pa atang baliin ang mga buto ko. Napasandal ako sa pader at itinapat niya ang paa niya sa dibdib ko upang hindi ako makawala. “Ano ba naman yan kuya! nawala lang ako ng apat na taon, ang lamya lamya mo ng kumilos!” pagtingin ko ay si Rosaline, kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil naka nananaginip lang ako ngunit hindi. Nandito na siya. Nakauwi na ang kapatid ko. “Ke-kelan ka pa dumating?” “Kagabi.” “Hindi ba dapat natutulog ka pa?! It's just 6 a.m!” “Hindi ako makatulog, may jetlag pa ako kaya inistorbo kita.” “Aba, ayos, nagpapahinga yung tao eh.” “Tara! Let's hang-out!” “Hang-out mo mukha mo, ang aga aga pa, saan naman tayo pupunta?” “Kay lolo Joaquin, gusto ko mamitas ng oranges saka ng grapes!” “Hay naku, tigilan mo ako, Rosaline
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-10 อ่านเพิ่มเติม