Keilani POVWala akong balak bumili ng kahit ano kanina. Gusto ko lang sana ay mag-window shopping muna, tumingin-tingin ng bagong koleksyon ng paborito kong luxury brand habang iniisip kung ano ang isusuot ko sa paparating na event. Pero pagpasok ko pa lang sa boutique, halos lahat ng mata ay napatingin sa akin. Marahil dahil sa suot kong beige silk blouse, black pencil skirt at designer heels na limited edition. O baka dahil kilala na nila ako. Hindi naman bago sa akin ang atensyong ganito. Sa totoo lang, oo, hindi ko rin trip maging ganito kaarte sa mga damit. Kaya lang, nakakarinig ako sa ibang tao, lalo na sa mga kapwa ko CEO na parang minsan, hindi ako mukhang CEO dahil sa mga porma ko. Sabi ng iba, lalo na ni Celestia, dapat daw ay talagang may bonggang tatak ang bawat suot ko. Kaya naman sa nagdaan ng mga araw, ayon, pinagsanayan ko nang magsusuot ng mga mamahaling damit, sapatos, bag at kung ano-ano pa.Kahit nga si Sylas, natutuwa kasi parang na-a-adopt ko na raw sa mga sosy
Last Updated : 2025-05-01 Read more