Sylaila POVKapag kinakasal, dapat ikaw ang makakatanggap ng regalo, pero hindi ganoon ang nangyari. After three days, matapos ang kasal namin ni Chusan, nagpasya kaming regaluhan na rin ng mga TV ang bawat pamilya rito sa Amontala province. Um-order kami sa city ng maraming TV, at ngayong araw, isa-isa kaming nagpunta sa bahay-bahay. Para naman mabilis, tumulong na sina Kuya Keilys, Ate Ilaria, Fabian, Lusing at ang helltrace. Kaya naman wala pang tatlong oras ay tapos na agad kami.Dito kami nagkita-kita sa farm na kung saan, nadatnan naming nagluluto ng tanghalian sina Igme, Miguelito, at Barry. Sila ‘yung mga friend ni Nardo noon na pinakiusapan kong tulungan ako. Pinangako ko sa sarili ko na balang-araw, tutulungan ko sila at ito na ang araw na iyon.Sina Igme, Miguelito, at Barry kasi ay kukunin ng parents ko at dadalhin sa city upang doon bigyan ng magandang trabaho. Ngayon, nagluluto muna sila para sa amin. Sila naman kasi ang nagkusa, saka nagpapakitang gilas kasi ang mga ito
Read more