Ilaria POVPagkauwi namin sa villa ni Keilys, medyo palubog na ang araw kaya medyo malamig na. Tulad nang napag-usapan, kasama ko sina Vandall, Rook, Nomad, at Jink. Pagdating namin sa loob ng villa, halos sabay-sabay silang naupo sa sofa, ako, tumuloy agad sa kuwarto ko para magbihis. Doon na ako naupo saglit para magpahinga din.Matapos ang halos kalahating oras ng pahinga, tinawag kami ni Manang Lumen para mag- merienda. Niyakap ko pa si Manang Lumen, kasi sa wakas ay nakalabas na sila ni Tatay Iggy sa ospital. Nasa dining area na rin si Keilys, suot ang simpleng white shirt, may apron pa sa baywang. Siya ang nag-aasikaso ng pagkain namin dahil bawal pang magkikilos si Manang Lumen.Sa lamesa, may pancake, sandwich, baked macaroni at juices. Pansin ko, lahat ng iyon ay tila pang-healthy. ‘Yung pancake kasi ay halatang may malunggay.“Anong mayroon, bakit sinama mo ang helltrace sa villa?,” tanong niya agad sa akin, sabay halik sa noo ko nang maupo ako sa tabi niya.“May dahilan, si
Last Updated : 2025-11-04 Read more