Kuki POVHindi ko agad sinimulan ang training ni Iliana. Marami kasing nagkakamali sa ganitong bagay. Akala nila kapag assassin training, dapat agad-agad ay laban na, suntukan na, barilan na.Mali.Kung mahina ang katawan mo, kahit gaano ka kagaling sa technique, wala ring silbi.Kaya nang magkita kami sa training area ng mansion kinabukasan, sinabi ko agad sa kanya ang plano ko.“Hindi muna tayo magsisimula ngayon,” sabi ko habang nakatayo sa harap niya.Napakunot ang noo niya. “Bakit?”Nakasuot siya ng simpleng training clothes na black leggings at fitted na shirt. Halatang handa na siyang gumalaw at mag-umpisa. O, excited lang siya kasi araw-araw na niya akong makikita. Aba, sa pogi kong ito, talaga namang sisipagin ka palagi sa training, makita at makasama lang ako.“Pahinga day.”“Pahinga?” pag-uulit pa niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sa totoo lang ay nahihiya akong sabihin iyon sa kaniya. Gayak na gayak na kasi siya. Talaga namang gusto nang mag-umpisa. Pero kasi
Read more