Keilys POVPagdating ng kotse ko sa tapat ng villa, nasagap agad ng pandinig ko ang sariwang hangin na dumadaan sa pagitan ng mga puno sa paligid ng villa. Hindi na gano’n kalakas gaya noong mga nakaraang araw na napapanuod ko sa balita, pero ramdam pa rin ang lamig na iniwan ng bagyo. Habang binubuksan ko ang gate gamit ang remote, napangiti ako, ilang buwan ko ring hinintay ‘to. IPagpasok ko sa bakuran, bumungad agad sa akin ang mga pamilyar na mukha. Si Vandall ang unang lumapit, kasunod si Rook, Nomad, at Jink. Lahat sila parang nagmamadaling makalapit, sabay-sabay na bumati sa akin.“Boss, welcome back,” sabi ni Vandall, habang si Rook naman ay kinuha ang mga bitbit kong bag.Pero bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto ng villa at lumabas si Manang Lumen. “Ay, Keilys, hija!” halos pasigaw niyang sabi, sabay lapit at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. May halong saya at lungkot sa boses niya, parang matagal kaming hindi nagkita. “Diyos ko, salamat at ligtas kang n
Last Updated : 2025-11-13 Read more