Ilaria POVTanghali na nang makarating ako sa Yay Town. Mainit ang kapaligiran, pero dahil may kasamang preskong hangin, parang hindi ka rin naman papawisan.Pagbaba ko ng sasakyan ko, naamoy ko agad ‘yong nilulutong tuyo sa kapitbahay.Nasa may pinto na si Tatay, nakaupo sa lumang silyang kawayan, hawak ang lumang cellphone niya. Parang lagi siyang ganoon tuwing uuwi ako—naghihintay, nakatingin sa kalsada, parang bantay-sarado na baka kung ano na naman ang mangyari sa akin.“Tatay,” tawag ko sabay kindat at halik sa pisngi niya.“O, anak, kumain ka na ba?” tanong niya kaagad, parang automatic script niya ’yon sa tuwing uuwi ako rito.“Opo naman, Tay,” sagot ko, kahit ang totoo hindi pa. Diet kasi, nagpapa-sexy ako para hindi ako mapalitan ni Keilys. “Kumusta po kayo?”“Ayos lang. Nalinis ko na ’yong likod bahay. Ikaw, anak, okay ka ba? Hindi ka ba nahihirapan sa review mo?”Ngumiti ako. “Hindi naman po, Tay. Kayang-kaya ko po ‘yun, ako pa ba?”Kaya pa. Kahit ang totoo? Hindi ko na al
Terakhir Diperbarui : 2025-11-24 Baca selengkapnya