Ilaria POVNgayong araw, pahinga dapat.Pero ang pahingang iyon ay hindi sa simpleng lugar, kundi sa malaking hacienda ni Vice Mayor Ash. Nag-aya siya ng special lunch sa kanila. Nang sa ganoon ay makapag-bonding naman daw ang buong team namin.Pagpasok pa lang ng sasakyan namin sa mahabang driveway, napailing ako. Parehong-pareho ang itsura sa mga haciendang nakikita ko sa ibang bansa, mahahabang puno ng acacia sa magkabilang gilid, manicured na damuhan, at sa dulo, isang napakalaking ancestral house na kulay ivory, may haliging marmol at balkonaheng sobrang laki.Pagbaba ko ng kotse, sinalubong ako ng malamig na hangin at amoy ng bagong dilig na damo. May fountain sa gitna ng harapan. May mga staff na maayos ang suot, tahimik at propesyonal.Lumapit si Vice Mayor Ash sa akin. “Welcome to the chaos,” biro pa niya.“Kung ito ang chaos mo, ayoko nang makita ang organized,” sagot ko naman.Isa-isa nang dumating ang iba. Sina Golda, Charitie, at Jopay—pawang naka-summer dress, halatang e
Terakhir Diperbarui : 2026-02-23 Baca selengkapnya