Ilaria POVPagod na pagod ako nang matapos ang medical mission sa Apple Street. Mainit kasi ang araw nun, maalikabok ang hangin. Pero masaya ang pakiramdam ko. Mahigit dalawang daang pasyente na naman ang na-check namin. May mga batang nabigyan ng antibiotics, may mga lolo’t lola na may maintenance na ulit, may mga nanay na may vitamins.“Mayor Ilaria, proud kami sa inyo,” sabi ng isang matandang babae bago kami magligpit.Ngumiti ako. “Hindi pa po mayor,” sagot ko tulad ng lagi.Bandang alas-kuwatro ng hapon, habang nagtatanggal na ng tent sina Paco at Lucas, naramdaman kong kumakalam ang sikmura ko.“Vice Mayor Ash,” sabi ko kay Vice Mayor Ash, “may kape ba tayo diyan? Parang bigla akong inantok.”“Nasa likod ng van,” sagot niya. “May tinapay din.”Lumapit si Golda dala ang paper cup. “Fresh brew pa.”“Salamat,” sabi ko.Umupo ako sa gilid ng folding table. Huminga nang malalim. Ininom ko ang unang lagok.Mainit, matapang at sakto.Sumubo pa ako ng tinapay. Simpleng pandesal lang, p
Terakhir Diperbarui : 2026-02-24 Baca selengkapnya