Iliana POVPagdating ni Governor Sage sa bahay ko ay hindi ako makatingin nang maayos sa kaniya. Kasama niya ang limang naka-itim na lalaki at ilan sa mga nakaputing armado, pero mas marami ang nakaputi.“So, anong pumasok sa kokote mo at gumawa ka nang ikakasira ng image mo?” tanong niya agad sa akin. “Sa orphanage ka pa talaga nagmaoy.”Sa puntong iyon, tumingin na ako sa kaniya. “Sorry, Gov, na-provoke lang kasi ng mga madre na iyon. Pagharap ko kasi sa kanila, tinawag nila akong Ilaria, e hindi naman ako si Ilaria,” paliwanag ko sa kaniya.“See, ganoon na ka-famous si Ilaria. Alam mo namang gumagawa ka palang ng pangalan, nagpasira ka na.” Naupo si Governor sa sofa na malapit sa akin. “Sana, nagtimpi ka. Sana, nagpakilala ka. Sana pinakain mo sa mga bata ang spaghetti at chicken na dala-dala mo. Sana, hindi umiral ang pagiging baliw mo doon!”Napatayo ako. “Hindi ako pumayag na maging Mayor mo para ganiyanin lang, Governor Sage!” bulyaw ko na rin sa kaniya.“Ayan, magaling! Diyan
Read More