Keilys POVHindi ako mahilig sa maingay na proyekto.Mas gusto ko ‘yung tahimik pero may impact.Pagkatapos ng cake operation, alam kong hindi puwedeng doon lang matatapos. Hindi puwedeng puro emosyon. Kailangan may konkretong hakbang. May pisikal na pagbabago na makikita at mararamdaman ng tao.Kaya ang susunod kong tinutukan ay ang ilaw at dilim.“Vandall, Rook, Nomad at Jink,” tawag ko habang nasa study room ako isang gabi, “gumawa kayo ng listahan ng mga street sa Bayan ng Yay na madalas i-report na madilim.”Sinama ko rin ‘yung mga lugar na may history ng holdapan. ‘Yung mga eskinita na iniiwasan ng mga estudyante kapag gabi. ‘Yung mga daan na sinasabing may gumagalaw kapag alas-diyes na.Dalawang araw lang, kumpleto na ang report. May mapa pa. May statistics. May incident reports.Ayon sa report at pitong sirang poste ang mayroon sa Isidro Street.Labing dalawa na ilaw naman ang hindi gumagana sa Apple Street.Tapos, madalas naman daw ang holdapan tuwing alas-otso ng gabi sa Riv
Last Updated : 2026-02-25 Read more