Ilaria POVEksaktong 6:00 ng umaga nang maramdaman ko ang marahang pagdampi ng gulong ng eroplano sa runway.Bahagyang umuga ang katawan ng napakalaking private jet na sinasakyan namin. Napangiti ako habang nakatanaw sa bintana. Sa labas, makikita ang napakalawak na airport na napapalibutan ng mga bundok na sobrang ganda.Hello, Switzerland.Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.“Finally,” bulong ko.Katabi ko si Keilys na nakaupo sa malambot na leather seat ng jet. Hindi ito ordinaryong upuan. Para itong sofa sa laki at lambot. Ang buong cabin ng jet ay parang sala ng isang napakayamang bahay—may chandelier, may mini bar, may malaking TV screen, at may bedroom pa sa likod.Ganito kami mag-travel, na nung una ay kinaita ko rin ng sobra. Pero nung masanay na ako, wala na, parang normal na lang din ito sa akin.Sanay naman ako sa simple lang, pero sinanay na rin ako ni Keilys sa ganito. Ang totoo kasi ay ganito talaga ang buhay na kinalakihan ni Keilys.At ngayon, parte na rin ako noo
Last Updated : 2026-03-07 Read more