Chusan POVMaagang-maaga pa lang ay gusto ko nang tumalon sa dagat. Hindi dahil may problema, kundi dahil sa apat na taong kasalukuyang nasa harapan ko ngayon.Sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl. Mga kaibigan kong walang ginawa kundi pagtawanan ako simula nang magising sila.At alam ko kung bakit. Dahil iyon sa live ko kagabi.Nag-viral na ang ilan sa mga clip na in-edit ng mga fans ko. Sa lintik na live na ginawa ko habang lasing. Nasa open-air breakfast deck kami ng yate. Nasa likurang bahagi iyon kung saan tanaw ang malawak na dagat habang kumakain kami.May mahabang lamesa roon. May mga prutas.Bacon, Eggs, Toast, Pancakes, at kung anu-ano pang pagkain.Pero wala akong ganang kumain, dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng mga lokong ito.“Good evening, everyone!” biglang panggagaya ni Zyric sa boses ko iyon kasi ‘yung isa sa mga bungad ko kagabi sa live ko.Halos mabulunan si Arthyl sa kakatawa. Napasubsob naman si Calder sa lamesa. Samantalang si Stellan ay paulit-ulit na puma
Read more