Chusan POVI can’t remember the last time I sat at a dinner table this happy. Siguro, sobrang tagal na rin.Ang haba ng lamesa rito ng mga helltrace. Saktong-sakto sa aming lahat na nandito.Tapos, punong-puno ng pagkain ang buong lamesa.May inihaw na manok, Barbecue, Seafood, Mga gulay, Mainit na sabaw, at iba’t ibang putahe na parang espesyal na handaan.Pero hindi pagkain ang nagpapabusog sa akin, kundi ang mag-ina kong sina Ila at Isla.Hindi pa rin mawala-wala ang kilig ko kapag tinitignan ko silang dalawa. Lalo na si Isla na anak ko pala. Now I get why she’s so cute. Why she’s so fair-skinned. Why she looks Korean. Because she’s my daughter, after all.Paminsan-minsan ay palihim ko silang tinitingnan.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang magkatabi kaming tatlo.Parang ilang taon kong ipinagdasal ang eksenang ito. Na ang akala ko, sobrang imposibleng mangyari ito kasi ang alam ko, patay na talaga si Sylala.Sa kabilang bahagi ng lamesa naman ay naroon sina Mama Keila
Read more