Share

352.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-05-23 02:48:58

Hindi alam ni Valeria kung paano siya nakalabas ng cubicle, basta ang alam lang niya ng mga oras na ‘yon ay kailangan niyang makalayo kay Kiki.

“My god! Baliw na yata ang lalaking ‘yon!” Aniya habang hawak ang dibdib. Hingal na hingal siya ng makarating malapit sa table nila ni Jeric.

Inayos niya ang postura bago naglakad na parang walang nangyari, kahit ang totoo ay grabe ang pag aalburuto ng kanyang dibdib. Sinipa lang kasi niya si Kiki kaya siya nakatakas.

‘What if sundan siya ng binata?’

Mas lalo siyang nabahala sa naisip niya. Ayaw niya na magharap ito at si Jeric dahil sigurado siya nakatakas malaking gulo ‘yon.

“Puța naman kasi! Bakit ayaw niya akong tantanan?”

“Valeria?”

Napapitlag siya ng marinig ang Boses ni Jeric, nakahawak na ito sa balikat niya habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

“Sino ang ayaw kang tantanan? May nambast0s ba sayo? Ituro mo ng maupakan ko!” Galit pang sabi nito.

Muntik ng tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi nito. Kung magsal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Elleboj
thanks miss a!
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
nakakainis ka val, hnd mo alam na s kiki ang makakatulong sa problema mo. bakt kase hnd ka nagpapa imbestiga val. hayyy
goodnovel comment avatar
Raine Se
sobra kana val kahit ano nlng tlga pinagsasabi mo masaktan mo lng ang damdamin ni kiki,lagit ka kay kiki nyan di yan titigil hanggat d nakukuha ang gusto.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   352.

    Hindi alam ni Valeria kung paano siya nakalabas ng cubicle, basta ang alam lang niya ng mga oras na ‘yon ay kailangan niyang makalayo kay Kiki. “My god! Baliw na yata ang lalaking ‘yon!” Aniya habang hawak ang dibdib. Hingal na hingal siya ng makarating malapit sa table nila ni Jeric. Inayos niya ang postura bago naglakad na parang walang nangyari, kahit ang totoo ay grabe ang pag aalburuto ng kanyang dibdib. Sinipa lang kasi niya si Kiki kaya siya nakatakas. ‘What if sundan siya ng binata?’ Mas lalo siyang nabahala sa naisip niya. Ayaw niya na magharap ito at si Jeric dahil sigurado siya nakatakas malaking gulo ‘yon. “Puța naman kasi! Bakit ayaw niya akong tantanan?” “Valeria?” Napapitlag siya ng marinig ang Boses ni Jeric, nakahawak na ito sa balikat niya habang nagtatakang nakatingin sa kanya. “Sino ang ayaw kang tantanan? May nambast0s ba sayo? Ituro mo ng maupakan ko!” Galit pang sabi nito. Muntik ng tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi nito. Kung magsal

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   351.

    “ANO? SIGURADO ka ba na magpapakasal ka sa kanya? Akala ko ba hindi mo siya mahal?” Gulat na gulat na bulalas ng madrasta niya pagkatapos marinig ang desisyon niya. “Oo nga, Val. Anong silbi ng pagtakas mo noon kung magpapakasal ka rin sa kanya? Baka naman nabibigla ka lang.” sabi naman ni Fyang. “Bakit hindi ba pwede na magbago ang isip ko? Saka diba ito ang gusto ni dad? Eh di gagawin ko. Saka wag niyo nga akong astahan na parang nag aalala kayo sa akin. Ang sabihin niyo, you’re both scared dahil makukuha ko na ang kumpanya kapag nagpakasal ako kay Jeric. Mababalewala ang paghihirap niyong mag ina na ibrainwash ang daddy ko.” May matagumpay na ngiti sa labi na sabi niya sa mga ito. Oo, nagdesisyon siya na pakasalanan nalang si Jeric. Pero palabas lang ang lahat. Pepekein niya ang kasal nila para lang makuha ang kumpanya ng daddy niya. Ayaw na sana niyang maghabol dahil kung tutuusin ay walang sinabi ito sa iniwang mana ng lolo niya. Pero hindi niya maatim na iwan sa mag ina a

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   350.

    Hinaplos ni Kirk ang pisngi nang natutulog na dalaga. Damn. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sila malalagay sa ganitong sitwasyon. Pero bakit imbes na mabahala at mag alala sa kalagayan nila ay natutuwa siya na makasama ito sa ganitong sitwasyon? It feels like he was glad to trapped with her in this place. Siguro ay dahil nasosolo niya ito ng walang ibang tao.Nang masiguro na tulog na si Valeria ay kinumutan niya ito at nilagyan ng unan para maging kumportable bago niya ito iwan.Halos ilang kilometro din ang nilakad ng binata bago narating ang ilang malalayong kapitbahay. Nang makita ng mga ito si Kirk ay bumati ang mga ito sa binata.“Oh, Kiki, ikaw pala. Kamusta na kayo ng asawa mo? Nagkaayos na ba kayong dalawa?” Usisa ng isang may edad na lalaki. Ito ang may ari ng kubo na kasalukuyang tinutuluyan ng dalawa. “Ano ka ba, Juan. Sa tingin mo ba ay nandito pa sila kung nagkaayos na sila? Mukhang nagmamatigas si misis. Ikaw naman kasi, iho. Ano ba ang ginawa mo para magalit ang as

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   349.

    Nagising siya ng makaamoy ng mabangong amoy ng niluluto. Kumulo bigla ang tiyan niya. Siguro dahil mais lang kinain nila kagabi kaya nakaramdam agad siya ng gutom. Akmang tatayo na siya ng maalala na wala siyang saplot. Pero laking gulat niya ng makita na may suot na siya ng isang puting bestida. “Teka, saan galing ‘to?” Bukod kasi sa gasera ay walang gamit dito sa kubo. Kaya nagtaka siya kung saan galing ito. Pero dagling naglaho ang pagtataka niya at napalitan ng pamumula ng maalala ang ginawa ng binata sa kanya kagabi. “My god. Paano ko siya haharapib nito!” Aniya habang sapo ang nag iinit na mukha. Kung makaungol pa naman siya at makahalinghíng ay napakalakas. Ano nalang ang mukha na ihaharap niya sa binata. Naputol ang kanyang pag iisip ng sumungaw ang gwapong mukha ni Kiki sa pinto. Wala itong suot na eyepatch kaya malaya niyang nakikita ang dalawang kulay asul na mga mata nito. “Lunch is ready, Miss Val. Come on.” Miss Val? Kagabi lang ay Valeria ang tawag nito sa kany

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   348. ‼️ SPG ‼️

    Wala siya sa sarili, o mas tamang sabihin na hindi niya kayang tumingin sa binata. Hindi niya kasi ito inaway, o pinagsabihan sa ginawang pananamantala sa kanya. Dapat magalit siya rito, pero hindi niya magawa. Pagkatapos siya nitong halikan at himas-himasin ang kanyang katawan ay para siyang naengkanto. Hanggang ngayon ay dama niya ang mapusok na halik nito sa labi niya, ang mainit na labi at hininga nito sa leeg niya, at ang mapangahas na basang dila nito sa leeg at pisngi niya. Kung hindi pa nga siya binuhat nito para tumakas ay hindi siya matatauhan. “Kumain ka na, Miss Val. Baka lumamig na ito.” Tumingin siya sa inihaw na mais na inabot nito sa kanya. Nasa isang kubo sila ngayon sa gitna ng gubat. Dito muna sila mananatili ni Kiki hanggang mag umaga para masiguro na ligtas na sila sa mga humahabol sa kanila. Malayo ito sa bayan, at walang kabahayan sa paligid, ni wala silang nakita ni isang bahay na may tao, ang tanging nakita nila ay itong nag iisang kubo sa gitna ng gub

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   347.

    Mayamaya ay lumapit sa kanila ang isa pang kasambahay. “Ma’am, may dumating na deliver, nasa garahe na ngayon.” Nasa garahe? Umirap siya sa hangin. Nahulaan ba ni Jeric na binasag ni Kiki ang kotseng pinadala nito kaya nagpadala ito ng bago? Pagdating sa garahe ay nakita niya ang isang luxury car at isang limited edition na motorsiklo, na mayron lamang anim na model sa buong mundo. Sa sobrang gulat ay napaawang ang labi niya. Kumpara sa mga regalo ni Jeric kanina ay walang-wala ang mga presyo ng mga nauna nitong pinadala. Hindi siya interesado sa mga regalong binigay ni Jeric. Alam niya kasi na may kapalit ang pagtanggap niya sa mga ito. Kaya kahit gustong-gusto niya ang mga second batch gifts nito sa kanya ay pikit-mata niyang inutos kay Aling Dalia at sa driver niya na ireturn ang mga ito. Kumunot ang noo niya ng makita ang card na kasama ng mga luxury items na nasa sala. “Don't waste your time returning these gifts. They're for you, Val. Accept these gifts and throw

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   346.

    Tumingin siya sa kamay niya na mahigpit na hawak nito. Nanlaki ang mata niya ng matauhan at nagmamadaling bumitaw dito. “S-salamat.” Aniya ng makabawi siya. “P-Pero hindi mo na dapag sinabi ‘yon. P-paano kung balikan ka nila?” Maisip palang niya ‘yon ay hindi na panatag ang loob niya. Kilala niya kasi ang ugali ni Jeric at ng mga kaibigan nito. Kahit hindi sila madalas na magkasundo ni Kiki ay nag aalala pa rin siya para dito. “Get in.” Ani nito imbes na sumagot sa kanya. Pagkasakay niya ng sasakyan ay sumakay na rin ito at binuhay ang makina. “Nakita mo naman na mga siraulo sila. Paano kung balikan ka nila? Oo nando’n na tayo, malakas ka. Pero anong laban mo sa kanila kung pagtulungan ka nila?” “Bakit? Nag aalala ka?” “Ha—“ nahigit niya ang hininga ng walang babala na lumapit ito sa kanya para ikabit ang seatbelt niya. Sa sobrang lapit ng mukha nito ay amoy niya ang tumatamang hininga nito sa kanyang bandang tenga. “Inuuna mo dapat na ikabit ito kaysa ang pagalitan ako.“

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   345.

    Tumikwas ang kilay ni Valeria habang sinusundan ng tingin si Kiki. Napansin niya na malamig na naman ito at parang walang pakialam sa paligid. Daig pa nito ang babaeng may regla, pabago-bago ng mood. “Ano ba ang problema ng isang ‘yon?” “Ma’am, nakahanda na ho ang sasakyan!” Imporma sa kanya ng driver na si manong Bert. Ito ang driver niya noon kapag may lakad siya o ayaw niya magmaneho. Pero ngayong may bodyguard na siya, dito na niya ipagkakatiwala pati ang pagmamaneho sa kanya. Tinanguhan lang niya ang matanda. Nang makaalis na ito ay saka siya tumayo para pumunta na sa garahe. “May problema ba?” Usisa niya sa binata ng makita ito. “Hindi mo ba nagustuhan ang suot mo?” Pupunta kasi sila sa dinner meeting ng isang potential investor ng kaniyang kumpanya kaya naka pormal attire sila ngayon. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. “Ang gwapo mo kaya sa suot mo. Saka ang mahal niyan noh. Imbes na sumimangot ka diyan, magpasalamat ka nalang dahil nakasuot ka ng ganyang kamah

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   344.

    Kunot ang noo na sinundan ni Kirk ng tingin ang dalaga. Nagulat na lamang siya ng may hampasin siya ni aling Dalia na kadarating lang. “Ikaw naman kasi, bakit mo ginalit si ma’am? Sige ka baka i-break ka niyan.” Pananakot pa ng matanda sa kanya. “Sige na, sundan mo na siya. Panget daw sa magkasintahan ang kumain ng may tampuhan. Ano ba kasi ang pinag awayan niyong dalawa?” Pasimpleng usisa nito. “Hindi ko siya nobya— Hindi ito naniwala. “Hindi daw. Naku ang mga kabataan talaga ngayon ay malihim na, eh halata naman na ganito kayong dalawa.” Tudyo nito sabay dikit ng dalawang daliri. Akala ng binata ay tahimik ang matanda, pero ubod pala ito ng daldal. Mukhang hindi ito maniniwala sa anumang sabihin niya kaya tinalikuran na niya ito. “Hiwalay na ba sila ng fiancee niya?” Fiancee? Lumapit ito sa kanya at mahinang bumulong. “Iyon kasi ang sabi ng mommy niya ng pumunta dito, ay mali, madrasta pala. Narinig kong may fiancee daw ‘yang si ma’am Valeria. Mayaman daw at gwapo. P

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status