“PAULIT-ULIT mo siyang sinasaktan! At ngayong nagkalabuan kayo ni Andrew, babalik ka?”Wala siyang balak na magpaawat sa pagsasalita. She has to convince Miko that he made the wrong choice."Bumalik ka dahil palpak ang ipinalit mo!""Jan!" awat ni Miko. "All is in the past. Kalimutan na natin 'yon.""Tanga ka!""Stop it!" Tumaas na rin ang boses ng binata, "This is my choice! And my decision!""Sasaktan ka lang uli niya, Kuya Miko!""Sarili ko ito kaya huwag mo akong pakikialaman!""Pero buong pamilya mo ang nakakaramdam ng sakit, hindi lang ikaw!"Natahimik si Miko."Aalis na ako," muling singit ni Yolly. "Para hindi na kayo mag-away.""Mabuti naman!""No. Stay with me."Tiim-bagang na tinungo ni Janikka ang mga bintana at hinawi roon ang makakapal na kurtina. "Sinabi mo sa akin noong mahulog ang loob mo sa kanya na walang panahon ang pipigil sa 'yo para mahalin ang tulad niya." Hinarap nito ang binata. "You made the wrong choice and decision.""Anong ibig mong sabihin?"Humakbang si
SA LOOB ng ilang Linggo ay maraming beses na ring nakasama ni Janikka si Miko sa mga date at pamamasyal nila ni Jade. She insisted about it. Gusto kasi niya na mas higit pang makilala ang kauna-unahang lalaki na minahal ng kanyang paboritong Tita na kaibigan ng kapatid niya.Wala namang pagtutol sa dalawa, minsan ay sabit din si Mark. The more, the merrier. Masaya silang apat.But recently, she found out about Miko's strange illness. Sa una ay hindi siya naniwala. Pero naroon siya nang oras na iyon. Nakita niya ang katotohanan.Kung masakit para kay Jade ang talikuran ito ng lalaking mahal nito, mas masakit sa kanya dahil umaasa siya na magkakaroon ng masayang wakas ang kuwento ng dalawa.Kasalukuyang sinusundan ni Janikka ang sasakyan ni Miko. He's with another woman. At ayon kay Mark ay ex nito ang kasamang babae.''Alam kong may sakit siya, pero sana hindi ang babaing iyon ang sinamahan niya. She's the reason kaya siya nagkasakit. Gusto niya bang magpakatanga?''Napahampas sa hawak
“HERE, take a sip.”Hindi man lang tinapunan ng sulyap ni Jade ang inumin na inilahad ni Mark dahil nakatuon ang buong atensiyon niya sa hawak na asul na folder.Naglalaman iyon ng mga personal information ng naging pasyente niya na nagngangalang Yolly Del Villa na nakunan dahil sa pambubugbog ng ka-live in nito.“Fate must be playing with us. Am I not that kind of woman na karapat-dapat seryosohin? I mean, this is my first time. Naging tutok ako sa pag-aaral, pamilya, pangarap at trabaho. Don’t I deserve to be happy? Masaya na ako.” Muli siyang napahagulhol. “Sa unang pagkakataon, I longed to be loved by someone na pinili ng puso ko. Pero, bakit naman naging bokya agad?”“Baka hindi lang talaga kayo ang nakalaan para sa isa’t isa.”Pinahid niya ang mga luha. “Sinasabi mo ba na kami ‘yong pinagtagpo, pero hindi itinadhana?” She smirked, “Saklap naman! I was really hoping for a happily-ever-after.”“Stop this drama, okay? Wala na rin namang magbabago kahit maubusan ka pa ng luha sa kai
EKSAKTONG pagkulimlim ng kalangitan ay nakaparada na ang sasakyan ni Miko sa tapat ng ospital. Nanatili lang siya sa loob habang nakatitig sa larawang nasa hawak na cellphone.Kinuha niya sa bulsa ng suot na pantalon ang pulang kahon at saka binuksan iyon. Naroon ang isang kumikinang na singsing na kanyang ibibigay mamaya sa oras na makaharap si Jade.Buo ang paniniwala ng binata na positibo ang makukuha niyang sagot, umulan man o umaraw. No season can stop their love.Kahit na ilang buwan pa lamang sila na magkakilala ay sigurado siyang pareho lang sila ng nararamdaman.And he'll fight for it no matter what, at all costs."Forget everything, not Jade. Please forget everything, not Jade. Please, not her. Huwag kang mawawala sa isip ko. Not you, Jade. Stay in my memory. Do not forget her." He recited the words like a mantra. “Forget everything, not Jade. Forget everything, not Jade.”Humigpit ang hawak niya sa cellphone habang sa kabila ng kamay ay ikinulong naman ang singsing. He is s
HATID-TANAW ni Jade ang papalayong sina Mark at Janikka. Pinahaba niya ang leeg sa pagsuyod sa labas at paligid ng ospital. May gusto hanapin at makita ang kanyang mga nasasakit na mata."Hindi ba siya pupunta rito ngayong araw? Haist!" buntong-hininga niya nang makaramdam siya ng tamlay at pagkadismaya. "Naiinggit tuloy ako.""Bakit ka naman maiinggit?"Sumalubong sa paglingon ni Jade ang isang matipunong dibdib. Mabilis siyang napaangat ng mukha. "Oh!" gulat niyang bulalas nang bumungad si Miko na agad niyakap ang baywang niya bago pa man siya nakaatras dahil sa halos pagkadikit niya rito."Nanggaling lang ako sa restroom. Tatawagan na sana kita nang makita kita. May iba ka bang hinihintay na manliligaw?""Wala, 'no?" Humiwalay siya sa binata dahil sa tinginan ng mga tao partikular na ang mga staff. "Bakit nandito ka?""Malakas ang pakiramdam ko na may maghihintay sa akin dito. Hindi na nga ako halos nakatulog dahil iniisip niya rin yata ako.""Sino naman 'yon?"Bahagya itong yumuko
"AYOKO nang makita ka kahit kailan! Labas!"Napasulyap muna kina Mark at Jade ang itinaboy na lalaki bago ito nakayukong lumabas ng silid."Misis...""Hindi pa kami kasal!" singhal ng pasyente na namatayan ng limang buwan na sanggol sa sinapupunan. "At tama lang na hindi ko siya pinakasalan!""Naiintindihan po namin ang pinagdadaanan mo," singit ni Jade matapos senyasan ang kaibigan na ipaubaya na lang sa kanya ang pakikipag-usap. "Every mother has the right to get mad when it concerns about their child or children.""Isa ka na bang ina, doc?""No.""Paano mo ako naiintindihan kung hindi ka pa pala isang magulang?""I don't need to be a mother to know your pain, ma'am. Pero lahat ng babae ay alam ang sakit na nararamdaman ng inang nawalan ng anak."Sandaling namayani sa buong silid ang katahimikan. Nanatili lang sa kinatatayuan si Mark na piniling makinig kaysa ang sumingit. Inukupa naman ni Jade ang upuan sa tabi ng higaan."Napakasuwerte ng anak mo dahil nagkaroon siya ng ina na tul