Tipid na ngumiti si Czarina. Nasasaktan pa rin siya habang nakikita niya ang anak niya.“Anak, nandito si mommy. Nandito lang kami palagi na naghihintay sayo, okay? Lumaban ka pa anak ha? Masyado na bang makasarili ang mommy kung gusto kitang mabuhay? Kung gusto ka pa namin makasama? Anak magpalakas ka pa, naghihintay din sayo ang ate at kuya mo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Kayanin mo lahat ng ibinibigay na gamot sayo ha?” mahina niyang saad. Tiningnan ni Czarina ang gasa na nasa leeg ng anak niya, may sariwang dugo ito. Iniangat ni Czarina ang gasa at pansin niyang nagleleak ang dugo ng anak niya.“Nurse,” tawag niya sa nurse. Mabilis namang lumapit sa kaniya ang nakaduty na nurse.“Yes po ma’am?”“Nalilinisan ba yung leeg niya? Nachecheck ba yun? Para kasing nagleleak yung dugo ng anak ko.” Tiningnan naman ng nurse ang sinasabi ni Czarina.“Sige po mommy sabihin ko po kay doc mamaya. Don’t worry po araw-araw namang napapalitan ang gasa ni baby.” Tanging sagot n
Last Updated : 2025-06-13 Read more