Share

Kabanata 113.2

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-05 22:22:52

“Lumipat sila sa mas malaking hospital, Mr. Jimenez. Wala rin ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang kalagayan ni Kalix. Si Czarina o Tyrone na lang po ang tanungin niyo. Pasensya na.” sagot ni Owen saka siya umalis. Naiintindihan naman ni Mateo. Napabuntong hininga na lang siya. Umaasa na sana ay okay lang ang anak niya at ang apo niya.

Nang makarating sa hospital si Czarina at Tyrone ay inasikaso na sila kaagad ng nakuha nilang magiging doctor ni Kalix sa puso. Nagrequest kaagad ang doctor para sa 2d echo ulit ni Kalix. Habang naghihintay sila ay nasa emergency room lang sila. Nakahiga ang baby nila sa malaking kama. Mabuti na lamang at nagdala sila ng makakapal na pagbalot sa baby nila dahil masyadong malamig ang hospital.

Dahil kurtina lang ang tanging harang nila rinig na rinig nila ang iyak ng mga bata na pasyente rin. Napapabuntong hininga na lang si Czarina. Ginagapang na naman ng kaba ang puso niya.

“Hello sir, kailangan niyo po itong fill apan para sa admission ni baby pag
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Gina Bangay
thank you po at sana author maging ok na c baby
goodnovel comment avatar
Marites Mendez
grave ang kaba ko dito sa story ni baby Kalix,be strong baby kalix,
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contract Marriage   Kabanata 115.2

    “Hi Caitlyn, anong case ni baby mo?” tanong ni Czarina. Gusto niyang makilala ang mga roommates niya.“May dalawang butas po siya sa puso at may isang baradong ugat.” Magalang naman na sagot ng bata. Hindi mapigilan ni Czarina na hindi maawa. Ngayong nakakausap niya na ang mga kasama niya sa kwarto, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam niya.“Open heart din ba siya?” tanong pa ni Czarina.“Opo, schedule niya next week.” Napapatango na lang si Czarina.“Mukhang sa mayaman na pamilya naman kayo nanggaling, bakit dito niyo napiling maadmit si baby?” tanong ng babaeng nasa bandang dulo na katabi ng bintana. Napatingin naman si Czarina sa asawa niya. Wala silang alam tungkol sa ganitong bagay. Wala rin silang alam sa mga hospital na pwede nilang puntahan. First time nila sa mga ganitong bagay.“Dahil ito ang hospital na una naming nalaman. Wala kaming alam kung saan namin pwedeng dalhin ang baby namin. Medyo nabablangko na rin kasi kami. Ang gusto na lang namin ay gumaling ang baby nam

  • My Contract Marriage   Kabanata 115.1

    Tulalang nakatingin sa kawalan si Owen habang pinapaikot-ikot niya sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Marami pa siyang kailangang tapusin sa trabaho niya pero nabablangko ang isip niya. Nag-aalala siya sa mag-asawa na kahapon pang nasa hospital. Nag-aalala rin siya sa pamangkin niya. Iniisip niya kung anong posibleng mangyari kay Kalix kapag inoperahan na ito. Magagawa ba nitong makauwi sa kanila ng buhay o uuwi itong wala ng buhay?Napabuntong hininga na lang si Owen saka niya hinilot ang sintido niya. Nang may kumatok sa pintuan niya ay inayos niya ang sarili niya bago siya sumagot.“Come in,” aniya. Pumasok naman si Matthew at Aries, ang dalawang kaibigan ni Tyrone. May ibinaba silang mga papeles sa table ni Owen.“Kami na muna ang tumapos ng mga trabaho ni Tyrone. Basahin at reviewhin mo na lang.” saad ni Matthew na ikinatango ni Owen.“May iba pa ba siyang kailangang tapusin? Tinanong kasi namin yung secretary niya pero nasabi nito na kinuha mo na raw ang mga dapat ay t

  • My Contract Marriage   Kabanata 114.2

    “Full term ba siya mommy?” muling tanong nito.“Hindi po doc, 8 months lang.”“Ano raw po ang dahilan bakit napaaga ang paglabas ni baby?” tanong ng doctor habang nilalagyan niya ng gel ang dibdib ni Kalix.“Tumaas ang BP ko doc, diagnose ng pre-eclampsia saka low amniotic fluid.” Napatango-tango naman ang doctor saka sinimulang i-ultrasound ang dibdib ni Kalix. Tahimik na lang sila habang ginagawa ng doctor ang 2d-echo ni Kalix. Nakatingin din silang mag-asawa sa monitor pero wala silang maintindihan. Nakikita lang nila ang pagtibok ng puso ng anak nila.Matapos ma-2d echo ang anak nila ay pinunasan na ng doctor ang gel na nasa dibdib ni Kalix.“Mommy sa labas na lang kayo, hintayin niyo yung manunundo sa inyo ha? Huwag kayong babalik ng ER nang hindi dumadating ang manunundo sa inyo.” Wika ng doctor. Binuhat naman na ni Czarina ang anak nila saka sila lumabas. Muling naupo sa wheelchair si Czarina habang si Tyrone ay sa mahabang upuan. Tahimik lang ang lugar kung nasaan sila. Sila n

  • My Contract Marriage   Kabanata 114.1

    Tahimik lang si Czarina na nakaupo sa wheelchair habang karga-karga niya ang baby niya. Hindi pa naman bumabalik si Tyrone na nanguha ng jacket.“Ilang buwan na ang baby mo mi?” tanong ng isang babaeng nasa kaliwa ni Czarina. Nilingon niya ito at sa kaniya nakatingin. Baby niya ang pinakabata sa lahat ng mga baby na nakapila para sa 2d echo.“11 days old pa lang,” tangit sagot niya. Rumihistro ang awa sa mukha ng isang mommy dahil masyado pang bata si Kalix.“Nalaman mo ba kaagad na may sakit si baby sa puso nung buntis ka pa lang?” tanong pa nito.“Hindi eh, nalaman na lang namin nung ipinanganak ko siya. Hindi stable ang o2sat niya, nangingitim kapag umiiyak at umiinat. Akala namin dahil lang sa premature baby siya kaya ganun ang kalagayan niya.” wika niya, tiningnan ng babae ang anak ni Czarina at masyado itong maliit.“Minsan talaga mapapatanong ka na lang kung ano bang nagawa mong mali noong buntis ka pa lang para magkaroon ng sakit ang mga anak natin. Nasa atin ba ang mali? Napa

  • My Contract Marriage   Kabanata 113.2

    “Lumipat sila sa mas malaking hospital, Mr. Jimenez. Wala rin ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang kalagayan ni Kalix. Si Czarina o Tyrone na lang po ang tanungin niyo. Pasensya na.” sagot ni Owen saka siya umalis. Naiintindihan naman ni Mateo. Napabuntong hininga na lang siya. Umaasa na sana ay okay lang ang anak niya at ang apo niya.Nang makarating sa hospital si Czarina at Tyrone ay inasikaso na sila kaagad ng nakuha nilang magiging doctor ni Kalix sa puso. Nagrequest kaagad ang doctor para sa 2d echo ulit ni Kalix. Habang naghihintay sila ay nasa emergency room lang sila. Nakahiga ang baby nila sa malaking kama. Mabuti na lamang at nagdala sila ng makakapal na pagbalot sa baby nila dahil masyadong malamig ang hospital.Dahil kurtina lang ang tanging harang nila rinig na rinig nila ang iyak ng mga bata na pasyente rin. Napapabuntong hininga na lang si Czarina. Ginagapang na naman ng kaba ang puso niya.“Hello sir, kailangan niyo po itong fill apan para sa admission ni baby pag

  • My Contract Marriage   Kabanata 113.1

    Walang tigil sa pag-iyak si Czarina habang yakap-yakap ang anak. Natatakot siyang mawala ito sa kanila, lahat sila ay naging excited sa pagdating niya pero bakit kailangan niyang maranasan ang lahat ng sakit? Napakabata pa niya para magkaroon ng sakit sa puso?“P-Paano? Paano siya nagkaroon ng sakit sa puso? May mga nakain ba ako o may nagawa ba akong hindi dapat habang ipinagbubuntis ko siya? B-Bakit Tyrone? Bakit ang anak pa natin? He’s too young for that illness.” Umiiyak na saad ni Czarina. Kanina pa naman tahimik si Tyrone. Pilit pa rin niyang pinoproseso sa isip niya ang sakit ng anak nila. Kaya pala kahit anong gawin nila hinding hindi magiging stable ang oxygen saturation nito.“Hindi ko alam kung paano ko kakayanin, hindi ko alam.” Humihikbi na saad ni Czarina. Malalalim na naman ang bawat paghinga niya dahil sa matinding paghikbi niya. Ayaw niyang maranasan ang mawalan ng anak. Kaya niyang tanggapin kapag namatayan siya ng magulang pero tila ba ibang usapan na pagdating sa a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status