"Miss, pakiusap! Huwag n’yo akong ipakulong! Nagmamakaawa ako!" nagmamakaawang pakiusap ng lalaki habang paulit-ulit na sumusumamo kay Caramel, kanina pa ito halos sumasamba sa harapan niya. "Hindi ba nangako ka sa’kin noon na magbabago ka na? Sabi mo, hindi ka na magnanakaw. Pero anong ginawa mo? Hindi mo tinupad ang sinabi mo, kaya ngayon, sumama ka na rin sa limang unggoy na 'yon sa kulungan," malamig niyang tugon, habang nanatiling matigas ang boses. "Pakiusap! Ayaw kong makulong! Mamamatay ako sa kulungan!" halos lumuhod na ito sa gilid ng kalsada, walang humpay ang pagmamakaawa nito. "Sana inisip mo 'yan bago ka gumawa ng kalokohan," aniya, tinatapunan ito ng malamig na tingin. "Pangako, magbabago na talaga ako! Wala na kasi akong ibang matakbuhan, Miss. Wala akong pamilyang nagmamahal sa’kin. Kaya ganito na lang ang naiisip kong paraan para mabuhay. Alam kong maling-mali ang magnakaw at manloko ng tao, pero ‘yon lang ang naiisip ko upang bayaran ang mga utang ko at matustusa
Last Updated : 2024-12-30 Read more