TAHIMIK ang buong sala matapos ang bigat ng mga salita ni Thorin. Parang lahat ng nasa loob ng bahay ay natuyuan ng laway; walang gustong magsalita, walang gustong kumilos. Kahit ang orasan sa dingding, tila bumagal ang tik-tak, pilit nakikisabay sa tensyon.Si Charlotte, nakatungo, hawak ang pisngi na kanina lang ay tinamaan ng sampal mula sa sariling ina. Si Robert, nakaharang pa rin sa pinto, nangingisi pero halata ang pag-aalinlangan. Si Felicity, nakatayo sa tabi ni Thorin, litong-lito pa rin kung totoo ba ang sinabi nitong “asawa.” At si Lucille, hawak ang abaniko, pinapaspas ang mukha, tila nag-iisip kung paano babaliktarin ang sitwasyon para makuha ang advantage.Hindi nagtagal, sumilay ang ngiting tagumpay sa labi ng matanda. Ang uri ng ngiti na nakakapagpatayo ng balahibo—hindi ngiti ng isang ina, kundi ng isang negosyanteng nakakita ng pagkakataon.“So,” wika ni Lucille, malumanay ang boses pero matalim ang titig. “Three hundred thousand. Kung talagang desidido ka, iho, sig
Huling Na-update : 2025-09-19 Magbasa pa