Chapter 086Cris POVTahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang patuloy na nakatingin sa kanila—kay Merlin. Mula rito, hindi man malinaw ang bawat salitang binibigkas niya, sapat na ang galaw ng kanyang katawan, ang pag-iling, ang paghaplos sa kanyang pisngi na puno ng luha, para maramdaman kong ako ang dahilan ng sakit na iyon.At doon ko narinig… mahina, ngunit sapat para lamunin ako ng bigat ng konsensya.“Siguro... isa lang akong substitute bride noon. Para lang mailigtas sa kahihiyan ang pangalan nila… At ngayon, heto ako, sugatan, binuo lang ng anak ko… habang siya, ang ganda ng buhay!”Substitute bride…?Napapikit ako, at parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko.“Mas pinili niyang saktan kami. Mas pinili niyang iwan kami. Kaya huwag mo akong sabihan ng ‘patawarin mo siya’ o ‘kausapin mo siya’. Dahil wala siyang karapatang bumalik sa buhay naming mag-ina.”Hindi ko na kayang makinig pa. Gusto kong bumaba, gusto kong ipaliwanag, gusto kong sabihin na nagsisisi ako. Pero
Terakhir Diperbarui : 2025-05-09 Baca selengkapnya