ALMIRA LEDESMA & LIAM FLORESKasalukuyan silang nasa hotel dahil kasal ng pinsan niyang si Caleb sa longtime girlfriend nito na si Belle. Halos nagsiuwian na ang mga bisita. Yung iba ay pumunta na rin sa kani-kanilang mga suite. Sila na lang magbarkada ang natira roon. Siyempre, ang bride at groom ay nauna na sa kwarto para sa honeymoon nila.As usual, bridesmaid na naman siya… always a bridesmaid, never a bride.Lasing na silang lahat. Sina Liam, Elijah at Hunter ay namumula na ang mga mukha. Pati si Yassy, halatang tipsy na rin.Sila na lang ang huling tao doon dahil sila ang nag-asikaso sa mga bisita. Hindi na hinintay ng bride and groom na maubos ang lahat ng bisita kaya sila na ang nagtalaga sa mga sarili nilang gawin iyon. Naiintindihan naman nila kasi dalawang beses na ring naudlot ang kasal at sa wakas ay natuloy na din.“Tara na, wala nang bisita,” sabi ni Hunter, na medyo nagiging touchy na sa pinsan niyang si Yassy.Dati crush niya si Hunter pero tumigil na rin siya nang ma
Terakhir Diperbarui : 2025-07-31 Baca selengkapnya