Pagbalik niya sa mesa ay saka naman tumayo si David.“Nakalimutan ko, may pupuntahan pa pala ako, Elise,” paalam nito.“Hindi ka ba muna kakain? Tapusin mo muna ang kape mo,” tugon niya.“Hindi na,” maikling sambit ni David habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Felix. Parang may sama ito ng loob. Hindi naman niya masisisi ang lalaki“Are you sure, David?” muling tanong niya, bagaman nakakaramdam siya ng hiyang hindi niya maipaliwanag. May kung anong guilt na gumugulo sa kanya.Tumango lang si David at pilit na ngumiti—isang ngiting hindi umabot sa mga mata nito. “Nice meeting you, Felix,” sambit nito bago tuluyang lumabas.Naiwan silang dalawa ni Felix sa kusina. Namayani ang katahimikan habang tila pakiramdaman ang bawat isa.“Is he courting you, Elise?” sa wakas ay basag ni Felix sa katahimikan.“H-hindi...” nauutal niyang sagot.“Bakit parang guilty ka?”“Hindi naman talaga! Ewan ko...”“I can see that he likes you.”Napangiti siya habang nakatingin kay Felix, hindi
آخر تحديث : 2026-02-16 اقرأ المزيد