Nagtagma ang kanilang mga mata. Hindi siya ngumiti dahil bigla siyang naguilty, pero si Elise ang unang ngumiti sa kanya.“Mabuti naman at binisita mo si Lolo, Marise.”“Ahm, opo, Ate. Nagpaalam naman ako sa’yo kanina, di ba?”“Elise, apo, halika,” sambit ni Lolo.“Sinabihan ko si Marise na mag-shopping sila sa mall natin, at kung gusto nilang mag-staycation sa hotel ay pwede rin. Ibigay mo kung ano ang gusto nila.”“Sige po, Lolo, kung ’yan ang gusto ninyo.”Sandaling natahimik ang kwarto matapos magsalita ni Lolo Li.Napansin niya ang mabilis na pagdaan ng kung anong emosyon sa mukha ni Elise. Hindi niya matukoy kung pagkagulat ba iyon o pag-aalinlangan, ngunit agad din itong nagbalik sa kalmado at maayos nitong anyo.“Sa palagay ko ay kailangan n’yo na pong magpahinga, Lolo,” sabi ni Elise habang inaayos ang kumot ng matanda.“Nurse Tessa, ikaw na ang bahala kay Lolo, ha.”“Marise, samahan mo ako sa labas.”“Salamat po, Lolo…” muli niyang sabi, pilit pinapanatiling maayos ang boses
Read more