Ika-tatlong araw…Tahimik ang buong mansion. Sobrang tahimik… parang may paparating na unos.Malungkot ang buong kabahayan. Halos wala na silang mga tauhan doon. Silang dalawa na lang ni Lolo Li, at wala pa itong kalakas-lakas. Ibig sabihin, siya na lang talaga ang aasahan at wala nang iba.Nakatayo siya sa gilid ng mesa habang nakahiga si Lolo sa espesyal na wheelchair. Halos hindi na ito makagalaw. Maputla ang balat, mababaw ang paghinga. Pero bukas ang mga mata niya at malinaw ang isip.Napatingin siya sa malaking pinto nang pumasok sina Lester at Gary, dala-dala ang mga papeles.“Handa ka na ba, apo? Tapos na ang tatlong araw na binigay ko sa inyo, siguro naman ay nakapag isip-isip na kayo?” Isa-isang inilapag ni Lester ang mga dokumento sa mesa.“Eto na, apo… Deed of transfer, Board authority, Power of attorney.” walang paligoy ligoy nitong sabi.Tinulak nito ang folder palapit kay Lolo. “Pirma na lang. Tapos na ang lahat.”Nakatayo sa likod nito si Gary, nakapamaywang, may ngiti
Last Updated : 2026-02-03 Read more